Virac, Catanduanes – Kinilala bilang Rank Number 2 Best Municipal Police Station (MPS) ang Virac sa Regional Sub-Committee for the Selection of Unit Awardees (SCSUA) for Best Unit Award sa Bicol Region.
Ikinagalak ng pamunuan ng PNP Provincial command sa pangunguna ni Provincial Director Benjamin B. Balingbing, Jr. at PNP Virac sa pangunguna ni Chief of Police Kevin Caparuso ang naturang parangal.
Sa panayam ng Radyo Peryodiko 87.9BP-FM sinabi ni Police Senior Master Sargeant Josephine Bergonio na malaking accomplishment sa kanila ang naturang parangal dahil halos noong isang taon, hindi sila nakapasok bilang runner-up sa kabila ng kanilang mga accomplishments.
Ang pagkakahirang ngayon taon bilang ikalawa sa buong rehiyon, malaking motivation umano ito para makuha ang number 1 placer sa susunod na taon.
Ilan umano sa mga best practices para magupo ang naturang award ay ang mga sumusunod; 1. Ronda sa banggi kaagapay ang mga barangay tanod, kung saan binigyan nila ng batuta ang ilan sa mga ito, 2. ang radio program para sa information dissemination, 3. Urban gardening, kung saan hinikayat nila ang mga kabataan na magkaroon ng backyard gardening, 3. Oplan iwas abuso para sa pagbibigay ng impormasyon at flyers sa mga barangay na merong kaso ng Violence Against Women and Children (VAWC) kagaya ng isang kaso sa barangay San isidro Village at ang mental health awareness kapartner ang mga ahensya ng pamahalaan kagaya ng Department of Health (DOH).
“Ang maganda at matatag na ugnayan ng pamayanan, mga barangay at ng mga stakeholders kasama ang nasyonal at lokal na pamahalaan sa bayan ng Virac, Catanduanes ang naging instrumento upang makamit ng Virac Municipal Police Station ang 2nd Best Municipal Police Station sa buong kabikulan”, bahagi ng pahayag ng PNP Virac.
Naigawad sa Virac MPS ang nasabing parangal matapos ang mahigpit na deliberasyon ng Regional Sub-Committee for the Selection of Unit Awardees (SCSUA) ng Police Regional Office 5 (PRO5) na nilahukan ng 114 na mga himpilan ng pulisya sa buong rehiyon ng bikol bilang bahagi ng 121st Police Service Anniversary.
“The police are the public and the public are the police; the police being members of the public give full time and attention to duties which are incumbent on every citizen in the interests of community welfare and existence.”-Robert Peel, bahagi ng quote ng PNP sa kanilang social media.
Nagsimula ang masusing validation ng SCSUA noong Hunyo 9 hanggang Hunyo 11, 2022 para matukoy ang Best Police Provincial Office (PPO), Best City Police Station (CPS), Best Municipal Police Station, at Best Provincial Mobile Force Company (PMFC).
Ibat-ibang yunit ng PNP-Bicol ang nagtagisan base sa kanilang kwalipikasyon, katangian, at naging akomplisyemento mula Abril 1, 2021 hangang Marso 31, 2022. Hindi nagpahuli ang Virac MPS laban sa 114 na Municipal Police Station sa Rehiyon na ayon sa kapulisan ng at itinuturing nila itong isang napakalaking “karangalan”.
Ang kanilang tagumpay ay malinaw na nakasaad umano sa ilalim ng PRO5 Resolution Number 2022-02 na nilagdaan ng Chairman ng SCSUA at siya ring kasalukuyang Deputy Regional Director for Operations ng Police Regional Office 5 na si PCOL RODOLFO D CASTIL JR.
Kasama naman sa first placers ng naturang parangal ay ang mga sumusunod: Best Police Provincial Office (PPO) ay napunta sa lalawigan ng Camarines Norte, Best City Police Office ang Naga city CPO , Best MPS- Bulan Sorsogon at ang itinanghal bilang Best Police Mobile Force Company (PMFC) ay ang lalawigan ay ang 1st PMFC sa lalawigan ng Masbate. (fb/Richmon Timuat)