Natauhan kakagad si Sec Erwin Tulfo matapos batikusin ng taong bayan sa kanyang trial and error na Sistema ng  pamumudmod ng kaperahan ng pamahalaan..hikhikhikhikhik! Ayaw niyang itiwala sa mga LGU maging sa mga teachers ang kaperahan, samantalang ito ang pinakamabisang pamamaraan para maihatid sa taong bayan ang pagkaperahan.

Kailangan pang makipagbalyahan sa pila ng mga estudyante para lamang makakuha ng ayuda. Kawawa namang ng mga pobreng tikoy na estudyante. Pobre na nga, poor pa ang pamamaraan ng pamimigay na para bang asong tinatapunan ng pagkain..hikhkhikhikhik!

Tila masyado nga mas lalo pang pinabababa ng pamahalaan ang pagtingin sa katuyuan ng ating mga pobreng tikoy na kababayan..hikhkkhihikhik!

Yan din ang problema kung maglalagay kan sa mga key positions na wala pang karanasan at pinagpapraktisan pa lamang ang kanilang position..hikhikhikhik! Kung maglalagay ka ng sekretaryo, see to it na expert yan sa naturang pwesto, or else, it will reflect the image of the appointing authority itself as the main honcho of the Philippines. Pagbigyan natin ang hilig ng sekretaryo this time,  ang maganda, kasi inako niya ang pagkakamali at wiling naman siyang magkaroon ng reporma at pakinggan ang hinaing ng taong bayan..hikhkkhihkihkik!

***********

Totoo bang, mahilig magkape ang ilang miyembro ng SP? Ayon sa ating bubuwit, marami umanong tumututol na makita sa facebook live ang session ng SP matapos itong isuwestyon ng isang sophomore bokal sa este.

Pakiusap umano ng mga tumutol, pagbigyan naman umano sila ng 6 months para maging gamay ang session..hikhikhikhikhik! Ganun? Nasa praktis pa pala ang ating mga legislators kaya’t tagu-taguan muna tayo diyan..hikhihikhikhik!

Hintayin natin ang 6 months o baka 6 years ang praktis na kakayan? Hikhkhihik! Kung hari pa rin sila ng tagu-taguan, eh nsayang ng mga bumoto sa kanila..hikhikhikhik! Hindi pala sila ready sa trabaho, pero kumandidato?

Eh baka naman, ang ilan sa kanila, maganda lamang ang pagkaputol ng pusod at malapit kay Lord..hikhikhikhik! Sure, pagbigyan ang hilig mga kaperyodiko kasi nasa trial and error pa lamang sila! Hikhikhikhik! Hintayin natin ang final..hikhhihkik! Teka, sinong Lord? 

************

Naka score pala si Mr. Andy sa gobernador ng Catanduanes matapos makakita ng probable cause ang Ombudsman laban kay Gobernador Cua dahil sa paglabag sa special law, building code at fisheries code,  partikular sa Sec. 301 in relation to Section 213 ng PD 1096 o ang Building Permit Code at isang count ng paglabag sa Section 96 ng Republic Act 8550 (Fisheries Code) as amended by RA 10654.

Pero tagumpay naman si Governor Cua sa Graft charges dahil dinismiss ng Ombudsman ang graft charges sa kanya.

Guilty si Gov Cua sa “Conduct prejudicial to the best Interest of the service”. Sa halip, fine lamang ang ipinataw na penalty o pagbayad katumbas ng kang yang anim na buwang sweldo. Hindi naman nakitaan na nag-abuso sa kapangyarihan ang gobernador kung kaya’t penalidad lamang ang ipinataw ng Ombudsman.

Advertisement