Virac, Catanduanes – Isa sa kinagigiliwang panoorin ngayon sa lalawigan ng Catanduanes ay ang Inter-Municipality Basketball Tournament.

          Dinadala ang tournament sa labing isang bayan sa lalawigan ng Catanduanes, kung saan,  isa sa mga laro ay may tinatawag na home court advantage.

          Ayon kay Municipal Councilor Xyrell “Boboy” Albaniel, isa sa mga brainchilds ng torneo, nagsimula sa simpleng kwentuhan ang ideya ng naturang palaro sa tulong ng mga alkalde na siyang nagpursigengmaisakatuparan ito

Sa tulong ng mga sports enthusiasts maging ilang opisyal ng lalawigan naisakatuparan kaagad ang ideya sa pamamagitan din ng Rotarak Virac maging mga sponsors.

Sinabi ni councilor Albaniel na titingnan umano nila kung magiging positibo ang outcome ng torneo para ipagpatuloy taon-taon kung kinakailangan.

Posible aniyang itampok din sa mga susunod pang taon ang volleyball for women maging ng boksing para sa individual event.

Binubuo ng labing dalawang (12) koponan ang torneo, kung saan kabilang sa mga kasapi ay ang mga sumusunod: Go Shine Virac, Virac Dos, Bato Juan For All, Juan Caramoran, Abante Panganiban, Baras Bulungkalas, Layog San Miguel, San Andres, Island Gateway, Rapado Gigmoto, Kusog buda Orgulyo ning Pandan Laban at Viga Mayor’s Squad.

Ikinatuwa ni Albaniel ang full cooperation ng mga alkalde sa mga players maging mga fans na siyang bumubuhay sa palaro.

Ang opening ceremony ay ginanap noong Setyembre 3 sa Virac Sports Center samantalang tuwing Sabado at Linggo ginaganap ang mga laro kung kaya’t nagiging libangan ng mga residente sa mga lugar na nabigyan ng schedule.

Magtatapos sa buwan ng Oktubre 2022 ang naturang palaro batay sa single round robin format. Ang best of 3 finals ay mapapakinggan live sa Radyo Peryodiko 87.9DZBP-FM kasama na ang updates ng mga laro at resulta bawat linggo.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.