Pormal na binuksan ang Majestic Masters 2022 Regional Surfing Cup Puraran Beach Resort sa bayan ng  Baras, Catanduanes, kahapon, Octubre 4, 2022.

Ito ay pinangunahan mismo nina Regional Director Herbie Aguas at Baras Mayor Paolo Teves kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa  pangunguna ni Vice Mayor Rico Tating. Presente rin sa okasyon si Provincial Supervising Tourism Officer  Carmel Bonifacio Garcia maging  mga alkalde sa lalawigan kagaya nina San Andres Mayor Leo Mendoza, Odolon. Pascua ng Bagamanoc, Bong Tarin ng Viga at Juan Rodulfo ng Bato.

Ang competition ay hinati sa ibaโ€™t ibang kategorya na may nakalaang malalaking papremyo sa mga mananalong surfers.

Malaki ang pasasalamat ni Regional Director Aguas sa inisyatibo ng lokal na pamahalaan na muling ibalik ang sigla ng kompetisyon matapos ang halos dalawang taong natingga dahil sa pandemya.

Ayon  naman kay Mayor Teves, layunin ng naturang event na makabuo ng camaraderie sa mga surfers sa rehiyon at malinang ang mga potential world class surfers talents sa rehiyon.

Ang event umano ay magbibigay din ng ambag sa pagpapalago ng turismo at ekonomiya sa lalawigan dahil sa pagdagsa ng mga domestic at foreign tourists. (Richmon Timuat)

Advertisement