Matapang na inilatag ng bagong talagang Regional Director ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanyang guiding principle para pangunahan ang pamamahala ng kagawaran sa Bicol Region.

Sa kanyang acceptance speech sa installation at turn-over ceremony noong Oktubre 3, 2022, inilahad ni RD Norman Laurio na iingatan niya ang tiwala ng taong bayan sa ahensya sa pamamagitan ng maagap at mapagkalingang serbisyo na walang bahid na katiwalian.

Isa umanong malaking karangalan at pribilihiyo na tanggapin ang naturang appointment bilang Regional Director ng kagawaran lalo pa’t kasama niya ang mga taong merong didikasyon sa trabaho.

“I am extremely privileged and honored to accept my appointment as RD DSWD Region 5, mostly because I will be working with people whose dedication to service as make DSWD region 5 what it is today”, paglalahad ni RD Laurio.

Tiwala umano siya sa kanyang mga kasangga sa kagawaran sa pamamagitan ng kanyang Assistant Regional Directors

“Together with my team Dir. Raul Enojas bilang Assistant Regional Director for Administration (Director III), at Dir. Melchor Sañano bilang Assistant Regional Director for Operations (Director III)., we are more than pleased and confident to be working under secretary Tulfo whose passion in public service and great work ethics is widely acclaimed”, dagdag pa ng opisyal.

Alam niya rin aniya ang responsibilidad maging mga pagsubok sa naturang posisyon, dahil sa kanyang dalawang buwang transition kanya naring naramdaman na kailangan ang sakripisyo, alang-alang sa magandang serbisyo sa mga bicolanos.

“I am aware of the scale and enormity of responsibilities and challenges that my position entails. In fact, in my two months of working with FO5 including that of transition days, I have come to embrace the need to sacrifice everything, that I have who has before for the greater good to service of my fellow Bicolanos, and I believe that I am more than ready to take them further head on”, paglalahad ni RD Laurio.

Nagpasalamat din ito sa koaperasyon ng mga kawani ng kagawaran lalo na sa kanyang transition days maging ang agarang pagresponde sa mga naapektuhan ng bagyo.

Si Laurio ay isang Masbateño journalist na humalili kay Regional Director Leo L. Quintilla na manunungkulan naman sa parehong posisyon sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Pinangunahan nina Undersecretary for Special Concerns Vilma Cabrera, Assistant Secretary for Luzon Affairs Marites Maristela, at Assistant Secretary for Office of the Secretary (OSEC) Concerns Irene Dumlao ang seremonya.

Pakinggan ang kabuuan ng pahayag ni RD Laurio sa ginawang installation nitong nakaraang Lunes, Setyembre 3, 2022. (FB)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.