Virac, Catanduanes – Bilang paggunita sa pagdiriwang ng World Teachers Month na may temang “Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino”, sorpresang naghandog ng tigsasampung kilo ng bigas si Bise Gobernador Peter “Boste” Cua sa mga guro sa bayan ng Caramoran nitong October 1, 2022.

Ibinahagi ng bise gobernador sa kanyang Fb post na ang naturang programa ay una na niyang sinimulan noong  alkalde pa siya sa bayan ng San Andres at nais niya itong gawin sa buong lalawigan ng Catanduanes.

Magkasamang ibinahagi nina Governor Joseph Cua at VG Peter ang mga bigas sa iba pang mga bayan sa lalawigan. Maliban sa bigas,  isinagawa rin ang teachers night raffle bilang bahagi ng programa kung saan napanalunan ng mga guro ang brand new washing machine, stand fan, oven at iba’t ibang papremyo.

Sa kanyang mensahe ipinaabot nito ang mainit na pasasalamat sa serbisyo ng mga huwarang guro bilang tagalinang sa kakayahan ng mga estudyante. Pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga guro na nakatanggap ng naturang mga bigas. (Richmon Timuat)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.