Virac, Catanduanes – Dakong alas 4 ng madaling araw halos manaka-nakang bugso ng hangin at ulan na lamang ang naramandaman sa lalawigan ng Catanduanes.

Ito’y matapos na humagupit ang malakas na hangin at bugso ng ulan dakong alauna hanggang alas 2 ng madaling araw, kung saan itinaas sa signal no, 3 ang lalawigan. Sa pagtaya ng Pagasa, unang nag-landfall ni Paeng sa Catanduanes dakong alauna diyes ng madaling araw.

Kahit alas 7 na nang umaga noong Oktubre 29 halos hindi pa rin makalabas ang karamihan sa mga residente dahil sa manaka-nakang pagbugso ng hangin at ulan na tumila dakong hapon ng araw na iyon.

Kaagad namang inactivate ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Governor Joseph Cua ang assessment group ng PDRRMO upang makuha ang pinsalang dulot ng bagyo.

Ayon kay Governor Cua, ilang landslide ang naitala sa bayan ng Viga, particular sa P. Vera at Ananong sa interior na bahagi ng nasabing bayan. Ayon kay Mayor Glenda Aguilar, halos hindi malakas ang tama sa kanyang bayan maliban na lamang sa mga saging at mga pananim sa mga bayan ng Gigmoto, Baras, Bato at iba pang bayan sa lalawigan.

Naitala ang tatlong konting landslide sa highway sa Milaviga, Tucao at bahagi ng Caramoran, subalit nakakadaan parin ang mga sasakyan. Halos passable naman ang mga pangunahing daanan sa highway sa buong lalawigan matapos ang bagyo.

Umabot naman sa mahigit 14,000 ang naitalang evacuees sa buong lalawigan mula sa halos 3,000 na mga pamilya na nagtungo sa mga evacuation centers at ang iba naman lumipat sa mga kabahayan.

Ayon kay Mayor Sammy Laynes, halos hindi naman damaging ang paghagulit ng bagyo maliban na lamang sa pagkabuwal ng ilang kahoy at mga saging. Kaagad namang isinagawa ang clearing operation para maging passable sa mga sasakyan.

Sa bayan ng Virac kasama sa mga tinuluyan ng mga evacuees ay ang Virac Sports Center, kapitolyo maging ang Regional Evacuation Center sa Virac hub.

Naibalik ang kuryente bago sumapit ang gabi ng kaparehong petsa sa Poblacion ng Bato,  San Andres at ilang barangay sa bayan ng Virac, maging sa ilang bayan sa lalawigan. Naging puspusan ang ginawang clearing operation at restoration ng FICELCO linemen kahit gabi na sa layuning maibalik ang kuryente sa mas lalong madaling panahon.

Bago mag-alas 10 ng gabi nang magkaroon ng pre-emptive shutdown ang FICELCO dahil sa inaasahang pagdaan ng bagyo. Ilang poste lang ang inayos ng FICELCO subalit hindi naman masyadong naitala ang pagkasira ng mga pangunahing linya, maliban na lamang sa ilang poste.

Hiningi ng FICELCO management ang pag-unawa sa mga member consumers dahil standard operating procedure umano ang clearing para walang maaksidente bago pailawan ang mga kabahayan. (FB)

Advertisement