Virac, Catanduanes – Tinawag na ignorance of the law ng tagapagsalita ni kongresman Leo Rodriguez si Atty. Oliver Rodulfo matapos ihayag nito ang planong recall election laban solon.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko, tahasang sinabi ni Atty. Posoy Sarmiento na naging reckless ang abogado sa pagsasalita ng recall election na walang legal basis.

Atty. Sarmiento

Ayon kay Sarmiento, hindi sakop ng recall move ang isang kongresista dahil isa itong national official at hindi local official, batay sa nasasaad sa Local Government Code of 1991. Ang isinasailalim aniya sa recall ay ang mga local officials sa pamamagitan ng pagkuha ng boto mula sa electorate o sa pamamagitan ng mga elected officials. Bilang abogado aniya, mas maiging nakasaad sa mga panuntunan ang kanyang mga sinasabi sa publiko.

Maari niyang mapatalsik sa pwesto ang isang kongresista o bilang legislador sa pamamagitan ng botong 2/3 votes sa mula house of representatives o sa senado.

Narito ang kasama sa provisions na sinusugan ng kampo ng solon“  Other officials can be removed from offices but not by impeachment: those under the executive department may be dismissed by the president; members of Congress can be expelled by two-thirds vote of the chamber the member is a part of; local elected officials can be removed from office through recall. Each House may determine the Rules of its Proceedings, punish its Members for disorderly Behaviour, and, with the Concurrence of two thirds, expel a Member. The House and Senate power to discipline their members generally includes the authority to censure, reprimand, fine, or expel, batay sa Constitution.

Manilaw aniya na hindi kasama ang solon sa recall election taliwas sa nilulutong hakbang ng grupo ng abugado.

Matatandaang, noong Sabado, Enero 25, 2023 tahasang ipinahayag ni Atty. Rodulfo sa panayam ng Radyo Peryodiko ang kanyang frustration sa kongresista dahil wala umano itong nagagawa sa lalawigan maging ang pagbatikos sa mga kinontratang proyekto nito sa isla na merong mga depekto maging ang intervention sa bidding process sa DPWH.

Aniya, grupo ng mga professionals ang kasama niya sa kawsa upang patalsikin sa pwesto si Rodriguez  sa pamamagitan ng “recall election” dahil sa loss of trust and confidence.

Sagot naman ni Atty. Sarmiento, walang kaukulang basehan ang mga paratang ng abogado dahil marami umanong mga magagandang ginagawa ngayon ang kongresista mula ng maupo ito sa pwesto.

Patunay din aniya ang tatlong bilyong (3) pisong halaga ng proyekto na nakahanay na sa 2023 budget, mga bills of local applications, regular na pagdalo mga mahahalagang  okasyon sa lalawigan, pagbisita at pagbigay ng ayuda sa mga liblib lugar maging mga apektado ng kalamidad  kasama na ang pagbigay ng pondo sa mga hospital pribado man o pampubliko at ang pagpapatayo ng peoples center na layuning magkaroon ng satellite offices ang mga tanggapan ng DFA, NBI, PRC maging iba pang ahensya na makakatulong sa mga mamamayan.

Una nang sinabi sa panayam sa kampo ng solon na personal na pera nito ang ginagastos sa PRC at DFA mobile passporting na regular na isinasagawa simula ng maupo ito sa pwesto.

Ayaw namang patulan ni Sarmiento ang rebuttal ni Rodulfo na ang pamilya ng kongresista ang naka-corner ng mga proyekto bago pa man ito naging kongresista, taliwas sa sinabi ng kampo ng kongresista na 2-3 contractors lamang ang naka-corner ng proyekto sa nakalipas na administrasyon, kung kaya pumuputak ang mga ito sa bagong administrasyon. Sinagot na umano ito sa nakalipas na panayam at wala umano ito ng kaukulang basehan.

Suwestyon ni Sarmiento, mas maganda umanong hintayin na lamang ni Atty. Rodulfo ang susunod na halalan para husgahan ang kongresista kagaya ng nangyari nitong nakalipas na halalan na isa si Rodulfo sa mga nakatunggali ng solon. Napatunayan na umano ng kampo solon na naghahanap ang mga Cagtandunganon ng bagong pamunuan, kung kaya’t binigyan ng mandato si kongresman Rodriguez. Marami umanong mga detalye na makikita sa facebook page ng solon “Catandunganon Alisto” kung ano ang kanyang mga nagawa at ginagawa para sa mga mamamayan.

Sa kabila ng mga kontroberisyang ito, sinabi ni Sarmiento na bukas umano ang kongresista sa anumang dayalogo hinggil sa issue sa pagitan ng mga kontraktor sa isla at ng kongresista. Bukas umano ang kampo ng kongresista sa anumang hakbang para mapag-usapan sa mapayapang pamamaraan ang mga kontrobersiya na bumabalot sa magbilang kampo.

Pakinggan ang iba pang pahayag ni Atty. Sarmiento hinggil sa mga akusasyon ni Atty. Rodulfo. (FB/Bicol/Radyo PeryodikoNewsTeam)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.