Umabot sa mahigit 2,000 participants ang nakiisa sa provincial launching ng Buhay Ingatan, Drogaโ€™y Ayawan (BIDA) Program sa lalawigan ng Catanduanes noong Marso 3. Ito ay pinangunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) lokal na pamahalaan ng Catanduanes, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Phillippine National Police (PNP).

PLGU Photo

Ang BIDA Program ay isang stratehiya ng pamahalaan upang malabanang maitigil ang paglaganap ng illegal na droga sa mga komunidad ng lalawigan sa tulong ng ibaโ€™t-ibang sektor ng lipunan.

Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng Unity Walk, Fun Bike at Zumba na sinundan ng pormal na programa sa kapitolyo, commitment signing, at tinapos sa pamamagitan ng coastal clean-up drive.

Ayon kay DILG Catanduanes Provincial Director Uldarico Razal, ang BIDA Program ay ang pagpapatuloy ng Marcos administration sa nasimulan nang mga programaโ€™t kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Sa mensahe ng keynote speaker na si PDEA Bicol Director Edgar Jubay, binigyang diin nito na โ€˜collective effortโ€™ ang kailangan para sa tagumpay ng BIDA Program. Ang barangay din aniya ang nasa frontline nito kung kayat mahalagang operational at functional ang mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Samantala, inihalintulad naman ni Governor Joseph Cua ang BIDA program sa kung paano pinaaandar ang isang barko. โ€œKailangan mayroon tayong maraming tao upang gampanan ang maraming gawain magmula sa pag-alis ng barko sa pantalan hanggang sa pagdaong nito sa susunod na destinasyon. Ika nga, all hands-on deckโ€.

Sa huli ay nanawagan ang gobernador sa lahat ng miyembro ng komunidad na makiisa sa implementasyon ng programa para sa tagumpay nito. Hangad ni Cua na maideklara ang lalawigan bilang kauna-unahang drug-cleared province sa Bicol.

Advertisement