Sa ikalawang pagkakataon, muling mapapakinggan sa lalawigan ng Catanduanes ang School-On-Air program ng Agricultural Training Institute (ATI) sa ilalim ng pamamahala ng Department of Agriculture (DA) sa Bicol Region.

Ang programa ay tinatawag na “ School On Air” Smart Rice Agriculture (SOA-SRA) o ang palay-aralan sa himpapawid. Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng DA sa pakikipagtulungan ng Philippine Rice Research Institute at iba pang implementing agencies bilang “capacity builders” ng kagawaran.

Sa Panayam ng Radyo Peryodiko, 87.9 DzBP FM kay ATI Bicol Media Production Specialist II Christian Tres Reyes Tosoc, isang malaking pagkakataon umano ito na maisakatuparan ang programa pabor sa mga magsasaka sa lalawigan upang magabayan sa kanilang pagsasaka.

Sa programa umanong ito magiging maalab umano ang mga magsasaka sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka. Ituturo rin dito kung ano ang mga dapat gawin tungo sa masaganang agrikultura at maunlad na ekonomiya. Lilinangin din dito ang kaalaman ng mga magsasaka sa tinatawag na Palay-Aralan sa Makabagong Pagsasaka sa pamamagitan ng media partner na Radyo Peryodiko.

Nakatakdang umere ang programa simula ngayong Martes, Marso 28,2023, kung saan mapapakinggan sa 87.9 Radyo Peryodiko at sa livestreaming ng www.bicolperyodiko.com tuwing Martes ng umaga (9AM) at replay tuwing linggo (10AM).

Simulcast din itong mapapanood sa FB Live ng Radyo Peryodiko at mga media accounts ng  ATI Bicol Facebook Page at ATI Bicol Sarabay YouTube Channel.

Ayon kay ginoong Tosoc, may target silang 2,500 rice farmers na magiging enrollees sa programang ito. Hinati ito depende sa lawak at sukat ng sakahan sa bawat munisipyo kagaya sa mga munisipyo ng Virac at San Andres na binubuo ng 250 participants.

Samantala patuloy pa rin ang enrollment sa iba pang munisipyo upang maibigay ang target participants.

Tatagal ang programa sa loob ng tatlong (3) buwan na may isang oras sa bawat episode bawat linggo. Isang classroom like set up ang naturang programa kung san magkakaroon din ng pre-test at post-test sa bawat talakayan. (Richmon timuat)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.