Virac, Catanduanes – Magpapaalam na sa Department of Education (DepEd) sa lalawigan ng Catanduanes si School Division Superintendent Susan Sorreta Collano matapos ang dalawang taon at dalawang buwang panunungkulan.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko at Bicol Peryodiko kay Information Officer Anjo Tugay, si Collano ay malilipat sa Naga City Division bilang full-fledge Superintendent habang si Tabaco City Schools Supt. Soccoro Dela Rosa ay babalik sa lalawigan ng Catanduanes matapos ang halos apat na taon. Natapat sa Covid-19 pandemic ang panunungkulan ni Collano kung kaya’t maraming kinaharap na hamon hinggil sa educational survival sa nakalipas na halos dalawang taong na naging mainit ang usapin sa blended at online education.

Ayon kay Tugay, sa kanyang pamumuno naitaguyod ang ilang reporma kagaya ng reclassification of teachers, kung saan tumaas ang antas ng kanilang sahod at maraming na-promote na mga master teachers maging mga guro. Kasama rito ang kauna-unahang naging principal 4 sa lalawigan sa katauhan ni Principal Amy Eusebio ng Catanduanes National High School. Sa kanyang pamunuan, nagkaroon din ng bronze award ang division para sa human resource development. Dalawang teachers mula sa bayan ng Bato ang naparangalan bilang Dangal ng Bayan Award ng Civil Service Commission (CSC) sa pamamgitan ng regional achiever na si Teacher Fely Templonuevo ng Cabugao High School outstanding teacher ng Civil Service Commission (CSC) at si Teacher Sherwin Manlangit na naging national awardee, dahil sa kanyang ginamit na walkie talkie teaching facility dahil sa pandemic.

Samantala, nitong Marso 31, 2023, bago ang kanyang pamamaalam, nagrekomenda ito ng apat na mga guro para sa Dangal ng Bayan Award dahil sa kanilang exemplary performance. Umaasa si Collano na muling makikilala ang kakayahan ng mga ito sa kanilang field of specialization.

Nagpahayag ng malaking pasasalamat si Supt. Collano sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga guro, mga estudyante maging mga local leaders na naging katuwang para sa adhikaing maitawid ang educational system ng lalawigan sa kabila ng pandemya.

Kasama sa mga kinakaharap na problema ng DepEd sa isla ay ang low passing rate ng mga enrollees sa Alternative Learning System, pagbagsak ng enrollees sa sa paaralan dahil sa pandemya at migration.

Sa kabila nito, naniniwala si Collano na malaki ang maitutulong ng kanyang predecessor na si Supt. Dela Rosa sa mga kailangan pang reporma sa edukasyon lalo pa’t tubong Catanduanes ang bagong opisyal na uupo simula ngayong Abril 4, 2022 sa pamamagitan ng turn-over ceremony sa tanggapan ng DepEd Catanduanes. (BICOLRADYOPERYODIKONEWSTEAM)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.