Ang lungsod ng Naga ang tinanghal na kampeon sa Modified Palarong Bicol 2023 na ginanap sa Naga City at Legazpi City nitong Abril 24-28, 2023 na pinangasiwaan ng Department of Education sa Bicol Region.

Samantala, pumosisyon naman ang Bagwis Catanduanes sa ika-siyam na pwesto para sa Regular Sporting events mula sa labing tatlong (13) delegasyon. Nasungkit nito ang siyam (9) na ginto, labing limang (15) na silver at labing pitong (17) bronze.

Sa over-all ranking, pumangalawa ang delegasyon ng Camarines Sur na merong 56 gold, 63 silver at 68 na bronze, habang ikatlo ang lalawigan ng Camarines Norte na merong 46 gold, 32 silver at 62 bronze. Pumasok naman sa ikaapat na pwesto ang Ligao city, Sorsogon province ikalima, Albay ika-anim, ikapito ang Legazpi, ikawalo ang Masbate, ika-siyam Catanduanes, ika-sampu ang Tabaco City, Iriga City ika-11, sinundan ng Sorsogon City habang ang Masbate City ang panghuli.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.