Caramoran, Catanduanes – Mahigpit na tinututulan ng mga residente maging mayoriya ng Barangay Council ang panukalang Small-Scale Mining sa Barangay Obi, Caramoran, Catanduanes.

Itoy matapos lumabas na ang sinasabing permit mula sa Department of Energy (DOE) na nakapangalan sa isang nagngangalang Adelbert Z. Almario.

Si Almario ay tubong Barangay Mabini, Caramoran na nabigyan ng coal mining permit ng DOE na may petsang Pebrero 12, 2024 na nakabase sa Taguig, Metro Manila.

Batay sa dokumento, ang permit ay pirmado ni Director Nenito C. Jariel, Jr. ng Energy Resource Development Bureau na may may titulong “Small-Scale Coal Mining Permit No. 2024-002.

Nakapalaman dito ang mga kondisyon sa pagsasagawa ng pagmimina kasama na ang approved work program para sa production rate na 11,365 metric tons.

Kailangan umanong ibenta ang makukuhang coal materials sa otorisadong buyer at end-user.

Sakaling wala umanong Supervising Coal Operator ang permittee na si Almario, kailangan itong kumuha ng full-time licensed mining engineer na siyang magmomonitor ng day to day mining operations.

Ang technical personnel umano ang mamamahala ng Safety Engineer’s permit mula sa Office of the Accreditation bago ito magsimula ng actual duties and responsibilities.

Pinapayagan naman ang nasabing pagmimina hanggang Oktubre 13, 2024 lamang. “It is understood that the subject area of this PERMIT has been declared suitable for small-scale mining operation based on the data on hand at the time this “PERMIT” was granted”, bahagi ng permit ni Almario.

Sakali umanong feasible dito ang large-scale mining nakapalaman sa permit na sa loob ng 45 days kailangan nitong huminto at kung hindi, magiging resulta ito sa revocation ng permit.

Nakapalaman pa sa permit na dapat bukas ang permittee sa pagpasok ng DOE para sa supervision ng mining operations. Kailangan din umano ang regular reporting nito sa kanilang tanggapan.

Obligado naman na magbayad ang permittee ng 3% mula sa gross sales nito. Bago ang operation, kailangan ding kumuha ng permiso ito sa National Commission on Indigenous batay sa itinatadhana ng batas.

Sakali malabag umano ng permittee ang alinmang kondisyon magreresulta ito sa cancellation ng permit.

Samantala, ipinagtataka naman ng iba’t ibang sector kung bakit nagpapatuloy ang ganitong hakbang sa kabila ng posibleng lalabagin nito ang NIPAS Law o ang protected areas.

Unang binawi ng Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes sa pamamagitan ng privilege speech ni Vice Governor Peter Cua noong Disyembre na nagpapahintulot sana sa 1 year suspension ng Ordinance No. o na nagdedeklara sa lalawigan bilang Mining Free.

Ang pagbuhay sa naturang usapin ay tila insult umano sa SP nang kanila ikansela ang panukala. Dahil existing ang dating ordinansa, marapat lamang umano na ipatupad ito laban sa magsasamantala. (BP NEWS TEAM)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.