Baras, Catanduanes — Naging matagumpay ang isinagawang Majestic Surfing Cup 2024 National Surfing Competition sa Puraran Beach Resort sa bayan ng Baras. Naging tampok ang mga pinakamagagaling na surfers mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang kaganapang ito ay nagbigay-diin sa likas na ganda ng Puraran bilang isang pangunahing destinasyon para sa surfing sa Pilipinas.
Kaugnay nito, binigyang pugay ng Department of Tourism sa pamumuno ni Regional Director herbie Aguas ang consistency ng lokal na pamahalaan ng Baras sa pamumuno ni Mayor Paolo Teves, kasama ang technical team at lahat ng mga organizer, para sa tagumpay ng kaganapang ito na muling nagbigay buhay sa taunang kompetisyon.
Sa tuloy-tuloy na tagumpay ng Majestic Surfing Cup, inaasahan ng mga tagahanga at eksperto na makakamit ito ng mas mataas na antas sa internasyonal na mga kompetisyon sa mga darating na mga taon. Ang mga alon ng Puraran ay hindi lamang nagsisilbing pagsubok para sa mga surfer, kundi pati na rin bilang simbolo ng kahusayan at kagandahan ng kalikasan na tiyak na aakit sa mga bisita mula sa iba’t ibang dako ng mundo.
Ang naturang kompetisyon ay unang ipinakilala sa panahon ng dating kongresista at gobernadora Leandro B. Verceles, Jr na nagiging tampok sa taunang Catandungan Festival. Sa mgayon, ihiniwalay na ito sa festival upang magkaroon ng sariling identity bilang isa sa mga aktibidad ng lokal na pamahalaan ng Baras.
Narito ang mga nagwagi sa iba’t ibang dibisyon:
Open Men’s Division
- Champion: Remar Magaluna
- 1st Runner-up: Neil H. Sanchez
Junior Division
- Champion: Julius V. Isaguirre
- 1st Runner-up: Jhonmark Figuron
- 2nd Runner-up: Marco H. Ventura
- 3rd Runner-up: Yron Erlano Estrellado
Master’s Shortboard Division
- Champion: Martin Taniegra
- 1st Runner-up: Jeson Posada
- 2nd Runner-up: Joel L. Faraon
- 3rd Runner-up: Levi B. Tanael
Women’s Shortboard Open Division
- Champion: Vea Estrellado
- 1st Runner-up: Donna Estrellado
- 2nd Runner-up: Lolit Ferrer Edusma
- 3rd Runner-up: Aireen Tanael