Atty. Eric Isidoro file photo (wearing black shirt)

Virac, Catanduanes – Ipinasilip ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Virac District Jail ang kuhang video mula sa Closed Circuit Television (CCTV) sa nangyaring komprontasyon sa pagitan nina Hon. Lelu P. Contreras at ng akusado sa shabu lab na si Atty. Eric Augusto Isidoro.

Batay sa record, mag-iikapito ng gabi noong Abril 20, 2018 nang personal na magtungo si Judge Contreras sa BJMP-Virac upang isilbi ang isang court order para kay Isidoro. Ayon sa hukom, ‘emergency’ umano ang kautusan ng Korte Suprema kaya ipinasya niyang idaan ang nasabing Order kay Isidoro.

Dagdag pa ni Contreras, agad umano siyang pinagsisigawan ni Isidoro nang sila ay magkaharap. “I could not but-in because he was shouting at me at the top of his voice!” Ngunit ang umano’y labis na nagpasama ng loob sa hukom ay ang kawalang aksiyon na ginawa ng BJMP jail officers, una, nang hindi umano nito sawayin si Isidoro, at ikalawa, ang paghihiyawan pa umano ng mga inmates para sa akusado. Dahil ditto, nagpalabas ang Huwes ng show cause order upang pagpaliwanagin si Isidoro at ang mga duty personnel ng BJMP ng mga panahong iyon.

Kasama ng Huwes ang security officer na pumasok sa jail dakong 6:45 ng gabi ngunit ayon kay Judge, hindi umano ito tinanggap ng naka-duty jail officer maging ni Isidoro kaya bumaba umano ito ng sasakyan at pumasok sa selda upang ipaliwanag ang nilalaman ng nasabing order. Ayon pa sa Huwes, nais niya lamang hingan ng panig ang akusadong si Isidoro matapos bigyan siya ng kautusan mula sa Court Administrator ng Korte Suprema upang sagutin ang issue kung bakit dapat payagang ilipat ang hearing sa Metro Manila sa halip na sa lalawigan ng Catanduanes gawin ang hearing. Kalakip din umano sa kautusan na pasagutin si Isidoro sa nasabing usapin.

Sa pahayag ng Huwes, nabigla umano siya sa mga pangyayari at iihalintulad nito si Isidoro na isang ___ . Kung gaano umano kaamo ang mukha nito noong nasa korte, kabaliktaran sa ugali nito sa jail. Dagdag pa nito, nahaluan umano ang mga bilanggo ng isang tentasyon matapos mag-chair pa ang mga ito matapos ang mga pangyayari.

Samantala, sa panayam ng Bicol Peryodiko, tumangging magbigay ng pahayag si BJMP Virac Jail Warden Emmanuel O. Arandia, Jr., ngunit sa halip ipinakita lamang nito sa media ang mga footages ng CCTV. “Let the images tell our side.”

Sa CCTV footages, makikita ang isang lalaki na gumagabay kay Isidoro pabalik ng selda. Ayon kay Arandia, hindi iyon jail offficer kundi ito ang kanyang mismong deputy warden na si SJO2 Romeo Villaluz. Habang inilalayo ng deputy si Isidoro, nakasunod si Judge Contreras. Mula sa receiving area ng kulungan, pumasok din ang huwes hanggang sa visiting area at hanggang sa bungad ng control room. Makikita rin ang pagmomosyon ng kamay ni Contreras dahil sa naging komprontasyon ng magkabilang panig.

Advertisement