Aabot sa 102,407 libong kandidato ang naghain ng certificates of candidacy (COC) sa iba’t-ibang posisyon para sa 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ang naitala sa Bicol.
Ito ang sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Regional Director Atty. Maria Juana Valeza sa isang panayam kamakailan. Ayon sa opisyal aabot sa 7,639 ang tatakbo para sa posisyon ng Punong Barangay, at 55,415 naman para sa kagawad. Sa SK level naman, aabot sa 7,315 ang nagpatala sa posisyon ng chairman habang 32,038 para sa mga kagawad. Kaugnay nito, pinag-aagawan nito ang 55,536 barangay at SK positions.
Sinabi pa ni Valeza na ang lahat ng provincial directors ang magsusumite ng COCs sa COMELEC central office. Tinuran din nito na naging matagumpay at mapayapa ang filing ng certificates of candidacy simula Abril 14 to 21, 2018.
“Nowadays, I can say that we are 95 percent prepared to conduct the barangay and SK elections. We are just waiting for the delivery of the accountable forms, or ballots and election returns” pahayag ni Valeza. Dagdag pa nito, lahat na umano ng mga ballot boxes ay nai-deliver na sa mga polling centers. (PNA/RD)