Virac, Catanduanes – Disqualification from holding public office at deprivation of right of suffrage ang naging hatol ng korte laban sa pinakaunang gun ban violator sa lalawigan ng Catanduanes.

Ang agarang desisyon ni RTC Judge Lelu P. Contreras ng RTC Branch 43 ibinaba matapos maghain ng plead guilty ang akusadong si Leo Manlangit ng Barangay Tilod, Baras, Catanduanes.

Maliban sa naturang prohibition, pagsisilbihan din nito ang pagkakabilanggo mula isa (1) hanggang tatlong (3) taon dahil sa paglabag sa Omnibus Election code.

Kaakibat ng naturang kaso ang isa pang paglabag sa Republic Act no. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act kung saan aabot na lamang sa dalawang (2) taong ang maximum na pagkakabilanggo dahil sa plea bargaining.
Matatandaang, naaresto ang akusado kasama ang isa pang abaca stripper sa isang entrapment operation ng PNP Baras sa pangunguna ni Chief if Police Michael Albania at ng intelligence team sa pangunguna ni Chief Inspector Cecilia Zuniega dakong alas 11:29 noong Marso 4 sa nasabing barangay.

Nakumpiska sa akusado ang isang kalibre 45 na may serial number 743186 at magazine na loaded ng mga bala. Kasama rin dito ang apat (4) na 500 peso bills bilang mark money.

Nadakip si Manlangit, subalit nakatakas ang kanyang kasama na si Christian Gabales na sinasabing at large pa sa hanggang sa ngayon matapos makatakas sa operasyon. Si Manlangit ay isa lamang sa pitong (7) gun ban violators sa lalawigan matapos mag-umpisa ang election period sa lalawigan ng Catanduanes.

Ayon kay Comelec Provincial Supervisor Atty. Pabalan nagpapatuloy ang kanilang monitoring laban sa mga lumalabag sa election code.

Advertisement