SAN ANDRES, CATANDUANES – Hindi bababa sa 15 katao ang inaresto ng pulisya matapos maaktuhan ang mga ito sa tupada noong Biyernes Santo sa Barangay ng San Isidro, San Andres.

Ang mga nadakip ay kinilala sa mga pangalang Michael Sabido, Jesus Portes, Jesus Magno, Rener Robles, Jerry Clopino, Jerome Cloipino, Jexon Baynosa, Rex Gianan, Rafael Samonte, Rodolfo Gurrobat, Roland Samonte, Arlene Vallespin, Jodel Suplig, Silvestre Clopino at Greg Vargas.

Nasamsam mula sa mga arestado ang 17 piraso ng mga patay na tandang, 3 buhay na tandang, 8 tari at iba pang paraphernalia gamit sa pagsabong, gayundin gambling money na mahigit apat na libong piso.

Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang demanda laban sa mga naaresto ayon sa probisyong nakasaad sa PD 449 or Cockfighting Law.

Advertisement