Umabot na sa alarming level ang dengue cases sa Bicol Region dahil sa paglobo nito ng halos 134% kumapara sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Batay sa pinakahuling data ng Department of Health, umaabot na sa 3,631 ang naitalang kaso kung saan 37 na ang namamatay mula Enero hanggang Hulyo 27, 2019.
Ayon kay DOH Regional Director Dr. Ernie Vera, ang bilang na ito ay kumakatawan sa 134 % increase sa mga kaso ng dengue na naitala noong nakaraang taon na nagkaroon lamang ng 1,582 cases. Umaasa si Vera na dadami pa ang bilang ng dengue cases lalo na pagsapit ng tag-ulan sa rehiyon.
Sa kabuuan merong ng sa 3,631 kaso kung saan ang lalawigan ng Camarines Sur ang may pinakamaraming kaso ng dengue na umaabot sa 1,433; kasunod ang probinsya ng Albay na may 679 cases; Sorsogon 653 cases; Catanduanes 485 cases; Masbate, 242 at Camarines Norte, 135.
Samantala, 30 barangay sa Camarines Sur ang naideklarang hot spot area ng DOH; 14 sa Sorsogon; 12 sa Albay, 7 sa Catanduanes at 5 sa Masbate.
Sa lalawigan ng Catanduanes, pinasumite na rin ang mga Rural Health Units ng kanilang mga listahan ng mga kaso kung saan sa bayan ng Virac umaabot lamang sa labing isa (11) ang wala pang naitalagang kaso samantalang ang barangay San Isidro Village ang may pinakamataas na kaso ng dengue. Wala pa namang naitalang casualty sa Virac samantalang sa mga bayan ng San Andres at Baras ay merong tig dadalawang casualties at patuloy pang kinukumpirma ang kaugnayan nito sa kasong dengue.
Kaugnay nito, inalerto ng mga Rural Health Units ang mga mamamayan na praktisin ang 4s at ang 4 o’clock habit bawat araw upang masugpo ang kaparehong kaso. Ang bayan ng San Andres ang merong pinakamataas na numero.
Ang 4s ay binubuo ng Search and Destroy sa mga pinamumugaran ng mga lamok, self-protection measures o ang pag-aply ng mga lotion, seek early consultation sa mga doctor, at Say no to indiscriminate fogging.
Sa panayam ng Radyo Peryodiko sinabi ni Doctor Mark Sorra na nagsasagawa sila ng dengue summit sa mga barangay upang masawata ang ganito uri ng sakit. (RS/FB)