Virac, Catanduanes – Matagumpay na inilunsad ng Virac Municipal Nutrition Office ang pagsisimula ng 46th Nutrition Month noong ika-01 ng Hulyo ngayong taon na may temang “Batang Pinoy, SANA TALL… Iwas Stunting, SAMA ALL! Iwas ALL din sa COVID-19”.
Inihayag ito ni Virac Municipal Nutrition Officer Jocelyn U. Quiñones, RND (NO-I/MNAO) na kung saan patuloy ang paghahanda ng mga programa sa pagdiriwang ng Nutrition Month sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Layunin ng nasabing programa ay tulungan ang mga batang Pilipino sa pagtangkad at maiwasan ang pagkabansot sa tulong ng lokal na gobyerno, non-government organizations, business, academe lalo na ang pamilya sa komunidad sa kabila ng usapin sa kontra sa coronavirus disease.
Sa paglulunsad ng programa, sinimulan ito sa pamamagitan pagpost ng tarpaulin sa 63 barangays ng Virac patungkol sa nasabing nutrition month. Ngayong Hulyo 6, magsasagawa ng distribution ng nutrition IEC materials sa mga kabahayan lalo na ang mga buntis, lactating mothers maging mga teenagers.
Maliban dito, magsasawa rin ng feeding program sa loob ng 120 araw para sa 10 Nutritional Depressed Barangays ng nasabing bayan simula ikatlong linggo ng Hulyo na kung saan sakop sa nasabing feeding ay 6-23 months old young children, 6-59 months old undernourished children at At-risk pregnant women.
Nagpapatuloy na ang “Idol Ko si Nanay sessions lalo na sa 38 Barangays ngayong buwan hanggang ikatlong linggo ng Setyembre 2020 na kung saan ang target beneficiaries ay mga ina na kasamang anak na may edad 0-23 buwan lalo na ang pregnant and lactating mothers. Upang maging bahagi ng nasabing aktibidad ay bumuo ng “Division of one group into 2 groups (10-15 members per group)”.
Paalala ng LGU sa mga ina na ugaliing sundin ang health protocols upang maiwasan ang hawaan ng virus at 50% capacity umanong gagamitin ang mga open venues sa mga aktibidad ngayong selebrasyon. (PATRICK YUTAN)