Matapos ideklarang persona non-grata nitong Hulyo 27 ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, buwelta ang broadcaster laban sa isang bokal.
“Ganito tinalampak ni Board Member Edwin Tanael ang aking pagkatao”, paglalahad ng broadcaster na si Ramil Soliveres sa kanyang Facebook post noong Hulyo 30.
Aniya, kinondena siya nang walang kaukulang due process. Dahil dito, isa-isang Inilahad nito ang kanyang sagot laban sa bokal sa kanyang facebook post.
1. Hinamak nya ang aking limitadong resources. Aminado naman ako, kakapiraso lang ang talent fee ko bilang mamamahayag. Ang iba, they resort to extortion and AC/DC, pero ako, nagsisikap makapagsulat ng mga aklat upang magkaroon. Sana, ipinagpasalamat na lamang nya na siya ay nagkamal ng kayamanan ng daigdig, pero mali yong nagkaroon sya pero nanghahamak sya ng iba.
2. Kailangan ko daw ng isang psychiatrist dahil drug addict daw ako. Sa usaping ito, open book ang aking buhay, kahit sa Korte nailantad ko na iyan maging sa publiko. Totoo, minsan sa aking buhay ay nasangkot ako sa droga. Pero ngayon ipinagmamalaki ko na nakalampas ako sa madilim na bahaging iyon ng aking buhay. I came out to be an inspiration, that there’s so much life beyond drugs. When i decided to quit drugs, i joined the PNP sa drug operations. I am proud of myself that i have survived drugs. In fact, RTC Judge Contreras had been encouraging me na maging speaker to inspire people who used drugs. Pero kay Tanael, kapag nag droga ka, you are forever shit and insane.
3. He accused me like a male prostitute. Dahil sa mga topless kong larawan sa facebook. He spent government money to print my pictures, in full colors, and had them distributed to members of the SP. Those pictures were all taken from home. Sa totoo lang, sa bahay, hindi talaga ako nagdadamit. But to accuse me bilang katulad ng isang bayaran was so foul.
Unang-unang, hindi naman kami nagugutom para magbenta ako ng katawan para may makain.
Ikalawa, wala akong magandang katawan na ibebentaIkatlo, public profile ako kaya kahit papano, inaalagaan ko ang aking integridad at moralidad.
4. He ridiculed me for being undergraduate. He said he is the Dean of CC and has full access to students’ records. So this school is open to anyone to see anyone’s records. That is a gross violation of the Privacy Act na ipamudmod ng paaralang ito ang mga detalye at impornasyon ng kanilang estudyante sa kahit na sino. Yan po ang mga isyu na kailangang mapatunayan at mapanindigan ni PBM Tanael.
5. He accused me as purveyor of fake news. I’ve been in the Media since 2006 and I dont remember i wrote one fake news. Nagpapagod ako para makuha ang totoong impormasyon kaya naninindigan ako sa bawat balita na aking sinusulat. Putulan nyo man ako ng leeg pero bawat balita na aking inilalabas ay may batayan at mula sa mga pinagkakatiwalaang sources. Kung may tagapaghatid ng maling impormasyon, hindi ako yon kundi ang inyong halal na bokal. Siya ang nagpapakalat ng maling impormasyon, hindi ako!!!
Ayon pa sa broadcaster, sa pagkakadeklara sa kanya bilang persona non-grata ng Sangguniang Panlalawigan dahil sa malisyusong paratang ng bokal, mananatili umano ang kanyang protesta laban sa naturang deklarasyon.
Mariing binigyang diin ng mamamahayag na kinondena umano siya ng SP na walang kaukulang due process at mga haka-haka lamang umano ang mga pinagbatayan mula sa isang bokal
. “ I was Condemned Without Due Process!! Ang kanilang pinagbasehan ay pawang haka-haka lamang, ganyan po naging ka-iresponsable ang ating kinatawan sa Sangguniang Panlalawigan”, paglalahad ni Soliveres.
“Sabi ni Tanael sila ay mga batikano, but I say, they have miserably failed to observe due process”, pagdidiin nito.
Pinawi naman nito ang mga supporters na nag-aalala sa kanya at sinabing bibigyan niya ng magandang legal fight ang bokal.
“Please huwag. I’m ok, pero maraming salamat sa inyong suporta. The family has decided, we will give Tanael a good legal fight! Including his cohorts and the school that he Deans!,” pagtatapos nito.
Si ginoong Soliveres ay dating news director ng Bicol Peryodiko na nakilala sa Radyo Peryodiko bilang “Sir Makisig” at ngayon ay nasa kanyang bagong tahanan na Radyo Oragon sa bayan ng Virac. (Patrick Yutan)