Pandan, Catanduanes – Huli ang labindalawang (12) violators sa bayan ng Pandan dahil sa hindi nagsusuot ng face mask.
Ang paghuli ng PNP alinsunod sa Municipal Ordinance 2020-10 o ang ordinansa para sa mandatoryong pagsuot ng face mask sa gitna ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Sa ulat ng Pandan MPS noong ika-28 ng Hulyo, inilahad ang numero ng mga lumabag sa batas. Kasali rito ang lima mula sa Libod, dalawa sa Bagawang, isa sa del Sur, isa sa del Norte, isa sa Oga, isa sa Canlubi at isa sa Cobo.
Ang mga nahuli ay pinatawan ng kaukulang parusa sa pamamagitan ng Community Service sa kanilang lugar.
Kaugnay nito, pinayuhan ng LGU-Pandan at Pandan MPS ang publiko na sumunod sa Quarantine Protocols na pinatutupad ng pamahalaan, para manatiling ligtas ang lahat sa pagkalat ng COVID-19. (Pat Yutan)