Virac, Catanduanes – Taus-pusong pinasalamatan ni Gobernador Joseph C. Cua ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan simula kay Presidente Rodrigo Duterte, mga ahensya ng pamahalaan at maging mga pribadong individual.

            Partikular na ipinaabot ng gobernador ang pasasalamat sa local at national media na nagkaroon ng malaking bahagi upang maikuwento sa national maging sa mga residente ang tunay na sitwasyon ng lalawigan makalipas ang malakas na bagyo, maging ang mga local government units na kaagad tumugon sa panawagan ng mga residente.

            Sa tala ng gobernador, umabot na sa 47 million ang pinansyal na tulong na ibinahagi ng mga donors na siyang ibinabahagi ngayon sa mga apektado ng bagyo.

            Ayon kay Cua, nagpapatuloy umano ang kanilang distribusyon ng yero, kung saan umabot na sa 12,000 ang kanilang naipamahagi sa mga totally damaged houses.

            “On this gesture and on behalf of the people of Catanduanes, ipinapaabot natin ang taos-pusong pagpapasalamat sa lahat ng mga nagpakita ng kabutihang loob at agarang naghatid ng kanilang tulong sa iba’t-ibang paraan. In Catanduanes, we say ‘Diyos Mabalos’.”

            “We send our sincerest gratitude to President Rodrigo Duterte for immediately dispatching the Office of the Civil Defense, with their VSAT Team, to our province for the temporary restoration of communication in the Provincial Capitol. Furthermore, we are also extremely grateful for the ten million (10M) donation that you have kindly given us. Ang inyong mabilisang aksyon ay isa sa mga unang naging hudyat ng aming pagbangon”, pagpapatuloy ng opisyal.

            “Gusto din naming magpasalamat sa iba’t-ibang national agencies na agarang nagpahatid ng kanilang tulong. To name a few, nariyan ang Office of the Vice President, DSWD, DICT, DND, DOE, DOH, DA, DPWH, NEA, NFA, NHA, PCOO, Armed Forces of the Philippines, Philippine Air Force, Philippine Navy, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, at iba pang mga ahensya”, dagdag pa ng opisyal.

            “We would also like to thank all the LGU’s who lent help. To the City Governments of Pasig, Cebu, Manila, Davao, Valenzuela, Sorsogon, Baguio, Bayugan, Osamis, Cagayan de Oro, Dagupan. To the provinces of Pangasinan, Leyte, Surigao del Norte, Negros Occidental, Southern Samar and Sorsogon. To the municipalities of Surallah South Cotabato, Sinabacan Misamis Oriental, Tubungan Iloilo and Tabok Kalinga Apayao”.

            ”Our thanks also goes to Sen. Dick Gordon, Sen. Win Gatchalian, Sen. Migz Zubiri, Sen. Francis Tolentino, Sen. Manny Pacquiao and Sen. Bong Go. Maraming salamat din po kina Sec. Francisco Duque, Sec. William Dar, USec. Wimpy Fuentebella, Sec. Rolly Bautista and Sec. Harry Roque.”

            “Naging katuwang din namin ang iba’t-ibang NGOs na mabilis na nagpadala ng kanilang mga tulong kagaya ng food packs, shelter kits, hygiene kits, at iba pang non-food items.” ayon kay Cua.

            Ilan sa mga ito ay ang Philippine Red Cross, Save the Children, USAID, World Vision, World Food Program,Humanity Inclusion, Simon of Cyrene, Samaritan’s Purse, Ayala Foundation, Air Asia, Economic Development Council (EDC) at marami pang iba.

            “Maraming salamat din po sa sa mga local organizations tulad ng Tindog Catanduanes at Bangon Catanduanes na kusang-loob na nag-organisa ng donation drive upang makakalap ng donasyon na ipapamahagi sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo”, dagdag pa ng gobernador.

Advertisement