Naniniwala si Regional Director Josephmar Gil ng National Police Commission (NAPOLCOM) Bicol na maganda ang mga ipinatutupad na programa ng kapulisan pagdating sa Violence Against Women and their Children. (VAWC).

          Ayon kay Gil, isa sa mga nakikitang dahilan kung bakit hindi umano nasasangkot ang mga  pulis sa pang-aabuso sa kanilang mga asawa at anak ay dahil sa mahigpit na batas na ipinapatupad sa bansa laban sa pang-aabusong ito.

          Bukod dito ay namulat na rin aniya ang mga kapulisan tungkol sa Gender and Development.

          Aniya, mahaba-haba rin ang proseso sa pagsasampa ng kaso sa mga pulis na mapang-abuso sa kanilang mga asawa.

          Base sa tanggapan, grave threats, child abuse, physical injury, affectation with other women, economic abuse at financial support ang karaniwang natatanggap na reklamo laban sa mga pulis mula sa kanilang mga asawa. (BrigadaFM)

Advertisement