Virac, Catanduanes – Upang mapanatiling ligtas sa sunog ang mga mamamayan ng Virac, inilunsad ng Virac Fire Station ang tinatawag na “Oplan Ligtas na Pamayanan”.
Sa panayam ng Radyo Peryodiko kay FO3 Dennis Gregorio, Chief Operations Officer ng Virac Fire Station-Bureau of Fire Protection, sinabi nito na layunin ng naturang programang na maging maayos ang pagsalubong ng Bagong taon at maging ligtas na pamayanan sa mga susunod na panahon.
Dagdag pa Gregorio, regular na umiikot ang mga fire trucks ng kanilang tanggapan upang ipaalala sa mga mamamayan ng bayan ng Virac ang ibayong pag-iingat.
Nagsasagawa din ang kanilang tanggapan ng fire safety alert weekly monitoring para sa systematic response sa pagpatay ng apoy.
Isa pa rin umano itong paraan para matraining ng maayos sa tinatawag nilang Oplan Ligtas na Pamayanan.
Ayon naman kay SFO1 Jose Alcantara, Chief for Safety Inspection, handa lagi ang kanilang personnel sa firefighting upang tumugon sa mga sakuna kagaya ng sunog na pwedeng mangyari sa mga barangay.
Nilinaw naman ni SFO1 Alcantara na laging ready ang mga firetrucks sa mga pagresponse kabaliktaran sa mga impormasyong walang tubig ang mga ito sakaling rumeresponde.
Ayon kay Alcantara Kung saan aabot sa 1000 gallons capacity ang laman ng kanilang firetruck sa tuwing rumeresponde sa mga sunog. Sakali naman umanong maubusan meron umano silang naka- standby na tulong mula sa MDRRMO Virac at private truck ng Aljhon Company para sa refilling nito sa kanilang firetruck.
Target umano ang mga liblib na barangay para sa naturang prograrama para maturuan sa fire safety at readiness upang maging handa ang mga ito pagdating sa sunog sa pamamagitan ng orientation at evaluation quarterly sa pag-organisa nito.
Muling pinaalalahanan ng Virac Fire Station-Buraeu of Fire Protection ang mga mamamyan na huwag ng gumamit ng mga malalakas na paputok bagkus gumagamit na lang ng ibang bagay na pampa-ingat lalo na sa pagsalubong sa bagong taon. (Sam Panti)