Arestado ang tinaguriang Number 4 Regional Most Wanted person sa Bicol dakong alas syete trenta y syete (7:37) ng umaga, ika-29 ng Enero 2022 sa Barangay Guiamlong, Caramoran, Catanduanes.
Mismong ang Hepe ng Caramoran MPS na si PLT ROMMEL ARINGO ang nanguna sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa suspek na kinilalang si Jesus Icaro, 56 anyos, may asawa, at residente ng nasabing barangay, kaugnay ng kasong murder na isinampa laban dito.
Katuwang ng Pulis Caramoran ang mga operatiba ng Regional Intelligence Unit-Provincial Intelligence Team (RIU-PIT) 6 Catanduanes, Criminal Investigation and Detection Group-Provincial Field Unit (CIDG-PFU) Catanduanes, Provincial Intelligence Unit (PUI) at ang 3rd Maneuver Forward Platoon ng Cat 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC).
Matatandaang nagulantang ang mga resudente ng barangay ng Guiamlong noong Setyempre 6, 2021 matapos na matagpuang patay bandang alas dyes trenta (10:30) ng gabi ang isang 49 anyos na ginang habang tadtad ng taga sa leeg, mga kamay at braso.
Matapos ang masusing pangangalap ng impormasyon at ebidensya ay pormal na naisampa ang kaso laban sa suspek na una nang itinuring na “person of interest” ng mga pulis.
Sa ngayon si Icaro ay nakakulong sa custodial facility ng Caramoran MPS. Wala siyang pahayag tungkol sa insidente.
“Tinutukan ng Caramoran MPS ang karumaldumal na krimen na ito upang makamit ng pamilya ang sinisigaw na hustisya,” payahag ni PLT ARINGO.
Kaugnay nito nangako ang pamunuan ng PNP na susubaybayan nila ang pag-usad ng kaso hanggang sa mapanagot at mahatulan ang suspek sa nasabing krimen. l via catppo