Leader by example ang pangunahing misyon ng tambalang Lacson at Sotto sakaling manalo bilang pangulo at pangalawang pangulo sa May 9, 2022 elections.
Sa press conference ng isinagawa sa mga kagawad ng media sa Bicol Region, binigyang diin ni Presidential aspirant Panfilo Lacson na paglilinis o housekeeping sa pamahalaan at mga empleyado nito ang unang hakbang para maituwid ang matagal ng problema kung kaya’t hindi makaalagwa ang bansa.
Sa kanilang 100 days ng panunungkulan, nais ni Lacson na malansag ang matagal ng sakit ng ulong korapsyon at ituwid maling paggamit ng pondo ng gobyerno.Cleaning aniya ang malaking susi para mawala ang malawakang kurapsyon sa pamahalaan. Kapag mawala ang kurapsyon sisigla umano ang ekonomiya ng bansa.
Ganito umano ang kanyang panuntunan noong maging PNP Chief sa bansa sa panahon ni dating president Erap Estrada.Inihalimbawa nito na dapat automation na ang sistema sa Bureau of Customs na kadalasang sentro ng kurapsyon dahil sa pananamantala ng mga sindikato.
Samantala, ayon naman kay Vice-Presidential aspirant Tito Sotto, ang advantage umano sa kanilang tambalan dahil subok na at ang pagpapatupad na lamang ng mga batas na kanilang pinandayan sa senado ang kanilang tututukan.
Sa kabila nito, bagamat sinasabing may mga front runners na sa mga surveys, subalit, sinabi ni Sotto na wala pa siyang nalalalaman sa mga contest na idenedeklarang panalo sa unang bugso ang mga nangunguna sa laban.
Ang tunay umanong resulta ng labanan ay nasa finish line at ito ay magaganap sa Mayo 9, 2022.Naniniwala umano silang malaki ang kanilang pag-asa lalo pa’t good governance o higit sa lahat taong bayan ang kanilang pinaglalaban. (BP NewsTeam)