Young pig on white background, studio photography.

Tinanggal na nang  lokal na pamahalaan ng Catanduanes ang temporary ban sa pagpasok ng mga buhay na at mga produkto nito gaya ng mga processed pork meat products sa lalawigan na magmumula sa ibang lalawigan.

Ang kautusan ang inilabas noong isang linggo sa bisa ng EXECUTIVE ORDER NO. 03 SERIES OF 2022 OR THE TOTAL LIFTING OF EXECUTIVE ORDER NO. 21 SERIES OF 2020, DECLARING A TEMPORARY BAN OF THE ENTRY OF LIVE HOGS, PORK AND ALL PORK BY-PRODUCTS FROM OTHER PROVINCES TO THE PROVINCE OF CATANDUANES.

Sa kabila nito, inilatag sa kautusan ang mga kondisyon. Sa Section 1.a ng bagong Executive Order, ang mga buhay na baboy na ipapasok sa lalawigan ay kinakailangang may Veterinary Health Certificate mula sa lisensyadong Farm Veterinarian o Municipal/City Veterinarian kung saan ito nagmula.

Kailangan ding magpresenta ng  shipping permit ang mga negosyante mula sa Regional o Provincial Quarantine Officer maging sa Provincial Veterinarian kung saan nagmula ang buhay na baboy.

Kinakailangan din ang Hog Transport Pass or Traders Pass mula sa Provincial Veterinary Office upang tuluyang makapasok sa lalawigan ang sasakyan na naglalaman ng naturang mga baboy.

Matatandaang pansamantalang ipinagbawal ng local na pamahalaan ng Catanduanes ang pagpapapasok ng naturang produkto matapos ang outbreak ng  African Swine Fever sa lalawigan.

Ayon kay Dr. Jane Rubio ng Provincial Veterinary Office,  wala nang naitatalang kaso ang lalawigan at nasa proseso na ng repopulation ang mga hog raisers. (BP News Team)

Advertisement