Virac, Catanduanes – Kinilala ng Sangguniang Panlalawagan sina Dr. Hazel Palmes ng Provincial Health Unit (PHU) at Dr. Robert John Aquino ng Deparment of Health (DOH) CHD Bicol dahil sa kahanga-hangang tagumpay sa pagpapatupad ng ‘vaccination roll-out’ sa buong lalawigan ng Catanduanes.

Sa magkahiwalay na resolusyon ni Provincial Board Member (PBM) Santos V. Zafe sa 4th Regular Session ng SP noong ika-24 ng Enero, 2022, kinilala ng bokal  ang kahanga-hangang tagumpay sa mga aktibidad ng dalawang doktor na siyang nanguna sa panahon ng pandemya.

Sa kabila umano ng krisis na kinaharap ng bansa lalo na sa lalawigan ng Catanduanes, nanatili ang kanilang pokus at abilidad para gampanan ang kani-kanilang mga tungkulin.

Ang pagtutulungan ng dalawang tanggapan sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO) at Department of Health (DOH) na pinamumunuan ng dalawang doktor ay nagkaroon ng ‘sustainable vaccination plan’ ang probinsya na naging dahilan upang makamit ang ‘88% Utilization Rate in COVID-19 Vaccination Program’.

Inilarawan sa nasabing resolusyon ang pagiging ‘selfless dedication at exemplary leadership’ ng dalawang opisyal at nararapat lamang umanong kikilalanin ng Sangguniang Panlalawigan. (Jonz Panti)

Advertisement