Virac, Catanduanes – Kasabay ng unang araw ng kampanya para sa mga lokal na kandidato, sinimulan na rin ng mga provincial at municipal candidates ang kanilang 45 days campaign period nitong Marso 25.

Kapwa inumpisahan ng mga provincial candidates ang kanialng kampanya sa pamamagitan ng banal na misa at sinundan ng motorcade.

Matapos naman ang pagdalo sa banal na misa, ang grupo ni incumbent Governor Joseph Cua, Congressman Hector Sanchez at Mayor Peter ‘Boste” Cua na kilala sa tawag na “Bagong Timpla” sinimulan ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng motorcade sa sentro ng Virac, Bato, San Miguel, at San Andres.

Dakong alas 5 ng hapon hanggang alas 10 ng gabi isinagawa ang kanilang proclamation rally sa Virac Town Center (VTC) mula sa mga provincial candidates hanggang sa mga municipal councilors.

Matapos ang misa, nagsagawa ng motorcade ang grupo at supporters ni incumbent Vice Governor na tumatakbong Gobernador Shirley Abundo kasama ang running mate bilang bise gobernadora na si PBM Natalio Popa sa rinconada area, partikular sa mga bayan ng Bagamanoc, Viga at Panganiban. Ang kanyang motorcade sa bayan ng Virac ay isinagawa dakong alas 3 ng hapon sa bayan ng Virac noong Marso 27.

Sa unang araw ng kampanya, sinimulan naman ng grupo ni dating Congressman Cesar Sarmiento ang unang araw ng kampanya sa pamamagitan ng opening ng kanilang headquarter sa Ibong Sapa sa bayan ng Virac at sinundan ito ng kanilang house to house campaign.

Walang motorcade, subalit house to house campaign naman ang ginawa ni dating alkalde ng Bato at congressional candidate Leo Rodriguez sa unang araw ng campaign period.

Marso 27 ng umaga isinagawa ni Congressional candidate Atty. Oliver Rodulfo ang kanyang kampanya sa pamamagitan ng motorcade sa bayan ng Bato, San Andres at Virac.

Samantala, sa mga mayoralty sa bayan ng Virac, house to house campaign ang isinagawa ng grupo ni incumbent Mayor Sinforoso “Posoy” Sarmiento at Vice Mayoralty Reynante Bagadiong habang nagsagawa naman ng motorcade ang grupo nina Mayoralty Engr. Samuel Laynes at Vice Mayoralty Arlynn Arcilla.

Muling umingay naman ang labing isang bayan sa lalawigan ng Catanduanes dahil sa paglilibot ng mga campaign jingles ng mga kandidato ma ikinatuwa naman ng ibang residente habang uminit naman ang ulo ng ilan dahil sa lakas ng kanilang mga public address sound system.

Advertisement