Virac, Catanduanes – Department of Science and Technology (DOST) Provincial Director Grace Molina has expressed deep concern over the shift in content of local vlogger Jassie Tejada Batcheller, urging authorities to take action against what she described as “bastos” and unethical material.

In an exclusive interview with Radyo Peryodiko, Molina initially praised the influencer for showcasing the local dialect and traditional customs of Catanduanes in the early days of his vlogging career. However, she lamented how his content has since taken a different turn, focusing on explicit topics such as female genitalia.

“Bilang isang miyembro ng LGBT community, dismayado ako sa ganitong klaseng nilalaman na lampas na sa etikal na pamantayan,” aniya. “Sa halip na makatulong sa pagpapalaganap ng mabuting asal at kultura, nagiging daan pa ito sa maling impluwensya, lalo na sa mga kabataan.”

Molina also pointed out that voicing opposition on Jassie’s page often results in online harassment and cyberbullying, discouraging constructive criticism.

Dahil dito, ipinabatid na rin ni Molina ang kanyang hinaing sa Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes, pati na sa mga pamahalaang lokal ng Virac, Bato, at iba pang bayan. Iniulat na rin niya ang usapin sa Department of Information and Communications Technology (DICT), na ngayon ay nakikipag-ugnayan na sa cybercrime authorities.

Nanawagan din siya sa publiko na huwag makisangkot o magbigay ng suporta sa ganitong klase ng nilalaman, na aniya’y lubhang mapanganib sa mga kabataan.

“Marami sa mga kabataan ngayon ang nalilinlang ng ganitong content, na nagiging dahilan ng maagang pagkakalulong sa hindi tamang gawi at early pregnancy,” dagdag ni Molina.

Matatandaang noong Abril 2024, nagpahayag na ng pagkadismaya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Andres laban kay Batcheller,dahil sa content na may titulong “the gem of San Andres,  matapos itong lumampas sa etikal na pamantayan ng pampublikong komunikasyon.

Sa pagtatapos ng panayam, iginiit ni Molina na ito na ang huling pagkakataon na siya’y magsasalita tungkol sa isyu, sapagkat nais niyang ipaubaya na ito sa mga awtoridad. (FB/BP Newsteam)

Advertisement