Hindi naman sa pag-aalsa ng sariling bangko, ang mga kasamahan ko’t ako’y lubusang naniniwala sa napaka-tagumpay na kinalabasan ng “Festival of Music 2017” (FOM) na ginanap noong Oktubre 26 sa Virac Sports Center. Ito ay ayon na rin sa mga papuring naisamutawi sa mga labi ng taong nanood sa nasabing musical competition na nilahukan ng 12 finalists.

Ang 12 finalists ay pinili sa 25 kompositor na galing sa iba’t-ibang bayan ng Islang Kayganda. Ang naging batayan ng pagpili ng mga finalists ay (1) orihinal na lenguwaheng Bikolnon ang naisumeteng kanta at (2) orihinal na himig (hindi adaptation).

Sa totoo lang, ayon kay ‘Bosing’ FMB, ito ay revival o kuntenwisyon ng unang music competition na pinamagatang “Pop Music Festival” noong taong 2009 kung saan ang naging kampeon ay dalawang nursing students—Ms. Evita Joy Samonte at Mr. Paul Andrew Valeza.

Sumikat at naging most requested song ang first-runner-up na komposisyon —Paglaom—ni G. Marjun Taroy na sa ngayon ay patuloy na namapayagpag sa airlanes hindi lang sa rehiyon Bicol kundi pati na rin sa buong kapuluan yata, ayon sa ilang mapagmasid sa larangan ng musika.

Men and Women behind the successful BP Music Festival

Ginanap ang natatanging “Festival of Music” (FOM) bilang isa sa mga highlights ng Catandungan Festival sa mismong araw ng ika-72 anibersaryo ng Catanduanes bilang independyenteng lalawigan na ayon sa aking bubuwit, na coca cola body at napakaganda, ay dating sub-province ng Albay.

Mabuti naman at sa wakas, ay nagkaroon ng naturang pangmusikang kumpetisyon na tugma sa tema ng ating probinsya: kulltura at paniniwala. Labis na katuwaan ang aking naranasan nang ito’y matagumpay na maidaos sa tulong ng napakaraming Catandunganon na tumulong sa ibat-ibang paraan, matuloy lang ang naturang musikang komposisyon kung saan 12 napiling finalists ang nag-showdown sa Virac Sports Center na ipinatayo ni dating Virac Mayor Dr. Sarmiento.

Sa ngayon nalaman at napatunayan ng Bicol Peryodiko na marami palang talentadong bagong henerasyon ng kompositor na nangangailangan at naghihintay lang ng supisyenteng exposure at oportunidad na maipakita ang kanilang itinatagong kagalingan sa larangan ng musika.

Sobrang kagalakan ang namutawi sa aming bibig at isipan nang i-anunsiyo ng aming mapagkalingang publisher/Sm Ferdz na gawin ng annual kumpetisyon sa musika bilang isa sa opisyal na parte ng Catandungan Festival na sinang-ayunan kaagad ng ating enerhetiko at workaholic provincial tourism officer na si Gng. Carmela B. Garcia.

Nagpakitang gilas at kahusayan ang makabagong icon ng Bicol songs na si G. Nonong Icaranom sa kanyang kantang pinamagatang “Sadiling Tanog”. Isa si Ginoong Icaranom sa 7 Board of Judges na pinangunahan ni Rev. Fr. Nestor ‘Butch’ Buena bilang board chairman.

Ipinamalas din ni G. Vince Villar ang isa sa kanyang napakagandang komposisyon na tumutugma sa mga taong di pa rin makapag-move on sa naunsyaming lovelife. Kapartner si Vince ni Ms. Jinky A. Tabor bilang napaka-alive and kicking na master of ceremonies. Kahit first na nagkasama bilang MC ang dalawa, mabilis agad silang napapag-blending nang maigi ang dalawang impresario. The audience including the BOJ, our publication’s management and staff were entertained with aplomb and gusto. It was an evening full of great entertainment, memories, and surprises.

Anumang pagkukulang—technical and whatever—lahat ng ito ay napagpunuan ng kanilang kagalingan sa pag-entertain at pagdadala ng musical event na ito. And to think na meron mangingilan na foreign visitors in the audience.

Hindi lang iyan mga, Ka-Peryodiko. Ito’y mapapanood na sa buong mundo via www.bicolperyodiko.com at bicolperyodikotv sa facebook. So, you can see how high-tech and savvy BP and Radyo Peryodiko, Ang Bagong Paborito (DWFB-FM- 96.7 mhz) are, at this point in time. That is, under the husband and wife creative and forward-looking partnership, who were blessed with second baby girl.

Yeheey! Hep-hep, Hooray! Naks. Napa-spokening dollar na naman si Manding, At alam nyo na noon pa, kung bakit ako napapa-English, di ba? Ganyan katindi si AAC kung dumiskarte at pomorma, kahit kung minsan may mga espreketek na akala mo tunay na kaibigan. Yon pala, nakupo. He-he-he!. Ha-ha-ha!

Sadyang napakasalimuot at mahiwaga ang mundong ginagalawan ng madlang pepol. Merong kaganapang, beyond our control. Indeed, human nature is both good and evil. Mga ka-Peryodiko, to which side do you belong?

Magandang epekto o resulta ng isinagawang FOM: maraming kompositor sa mainland Bikol ang nagpahayag ng paglahok sa darating na 2018 musical festival season. Palakpakan at pasalamatan natin ang lahat ng tumulong sa FOM kumpetisyon. Magiging matindi kung gayon ang susunod na edition ng naturang music festival sa susunod na taon and thereafter.

Dahil sa mahalagang ginagampanang papel ng iba’t-ibang sector, na siyang naging susi sa natamong tagumpay ng naturang musical competition, ito ay gagawin nang isa sa highlights sa 2018 Catandungan Festival at sa susunod pang mga pagdiriwang sa ating lalawigan.

Ito ay ayon sa positibong pagtanggap ng napakabuting epekto nito sa turismo kung saan si Ms. Carmel B. Garcia, ang indefatigable provincial tourism officer. Hep-hep! Hooray!
Sa mga susunod na artikulo, magigi nang matindi ang banat ni Manding. Magiging rapid fire na talaga ang dating. Naturalmente, ang mabuti ay i-aangat natin. Ang masama’y papasaringan o pupunain para magbago at tumino kung may pagasa pa. Anyway, let’s raise the roof. Amen. See you next issue.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.