Una sa lahat hayaan nyo po ako mga, Ka-Peryodiko na batiin nang napakainit na pagbati ng “Happy Birthday” si Gov. Joseph ‘Boboy’ Cua. How young are now, sir?” (Yan ang palaging tinatanong ni Manding Costales, tuwing may kakilala o kaibigan siyang b-day celebrant, lalo na kung siya ay isang babae (Mujer), ika nga.)
May you have many more birthdays to come and celebrate with gusto, Gov. Cua. Of course, hindi ako mapapalagay at makakatulog nang mabuti hanggat di ko mabati o battin si Ka-Peryodikong Papa Chen na tulad ni Mr. Green Alert ay Octoberian (Libran) din pala. Binabati ko rin ang lahat na ipinanganak ngayong buwang ito na ayon sa Roman Catholic Church ay ‘Rosary Month’. Well, anyway, belated happy natal day sainyong lahat. Hooray!!
Napakaraming magagandang kaganapan ang nangyari at mangyayari nagyong buwan ng Oktubre na tinatawag din nating Octoberfest Month. Una po rito ay ang pagbless ng bagong DILG building at pakahapon ay ang ginanap na Provincial Federalism Forum na ginanap sa Plaza Rizal covered court.
Of course yong SOPA at Birthday bash ni Gov. Cua. Naganap din ngayong buwan yong ‘blessing at launching ng PIA Catanduanes as ASEAN Information Hub sa PIA-CIC (Oct. 17) na pinamamahalaan ni Gng, Edna A. Bagadiong, at ang pag-conduct ng naturang opisina sa ASEAN 2017 Multi-Sectoral Forum na ginanap sa ARDCI Corporate Inn, Virac, Catanduanes (October 18).
Nandyan din yong CSU “5th Foundation Anniversary” as University na ginanap ngayong Oct. 16-19. Hindi namin mapapamalampas ang CSU sa aming mainit na pagbati sa kanila lalo na, ayon sa aking bubuwit, alumni dyan sina SM Ferdz Brizo, Mr. Greeh Alert, Buddy Boy Isorena, Arvin Kline, Uncle Sam atbp.
Ngayong buwan din ang Catandungan Festival, UN Charter Day Celebration, at naturalmente, inuulit ko yong ika-11 annibersaryo ng aming pinagmamalaki at pinipitagang Bicol Peryodiko. Hooray!
Noong Oktubre 20, ginanap ang ika-20 anibersaryo ng Institute of Integrated Electrical Engineers (IIEE), Catanduanes Chapter, na pinangugunahan ni Engr. Dennis V. Tadoy, as concurrent president. (Itutuloy)