Virac, Catanduanes– Isang tulak ng iligal na droga ang hinatulang makulong ng habambuhay ng Regional Trial Court- Catanduanes Branch 43.

Ang akusado ay kinilalang si Larry Sorrera ng barangay Danicop. Magugunitang Abril taong 2014 nang masakote ng Philippine National Police- Virac sa pamamagitan ng isang buy-bust operation ang akusado. Isang maliit na pakete ng droga at buy-bust money ang mga katibayang iniharap kay Sorrera. Kabilang sa mga isinampang kaso ay ang selling of dangerous drugs; samantalang tatlong pakete pa ng droga, due for disposal, ang mga ebidensiya namang inihain para sa possession of drugs.

Sa pagtitimbang ng husgado, hindi pinaniwalaan nito ang salaysay ng akusado kumpara sa mga saksing iniharap ng prosekusyon. “This Court finds the testimonies of the accused highly incredible because of inconsistencies and contradictions.” Hindi rin umano maaring bigyan ng puntos ang depensa ni Sorrera sa kanyang pagtanggi sa mga akusasyon, lalo na sa pagsasabing siya ay biktima ng isang frame-up dahil sa mga nagbabanggaang salaysay.

Ayon sa Korte Suprema, “Denial or frame-up is a standard defense ploy in most prosecutions for violation of the Dangerous Drugs Law. As such, it has been viewed by the court with disfavor for it can just as easily be concocted…”

Dahil dito, nakumbinsi ang hukuman na si Sorrera ay nagkasala sa dalawang nabanggit na kaso. Maliban sa habambuhay na penalidad para sa selling of drugs, kalahating milyong piso pa ang hinihingi ng korte bilang penalidad; samantalang labing dalawa (12) hanggang labing-apat na taon para sa possession of drugs at magbabayad din ito ng tatlong-daang libong piso.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.