Bago natin ipagpatuloy ang mga mayayamang salita at paliwanag ng ating pinagpipitagang Pastor na si Rick Warren (RW), hayaan nyo muna ako mga Ka-Peryodiko na ilahad sa inyo ang ilang katanungan:

a) Kailan kaya mawawala o mabawasan man lang ang kultura ng ‘impyuniti, kurapsyon, at patayan sa ating bansa?
b) Kailan kaya mapupuksa ang masasamang elemento sa ating lipunan?
c) May pag-asa pa bang umasenso ang Pinas?

* * * *
Sa aklat ni RW, tahasang sinabi nya: “Sa kasalukuyan, ang karaniwang haba ng buhay ng tao ay humigit-kumulang 25, 550 araw,”ayon kay Nang aking kumpyutin ang naturang bilang ayon sa 365-araw na basehan, ang naturang bilang ng araw ay katumbas ng 70 taon.

“Ganyan daw katagal ang ilalagi mo (natin) sa lupa kung ikaw ay tipikal na nilalang. Di ba isang makabuluhang paggamit ng panahon ang maglaan ka (tayo) ng 40 araw upang alamin ang nais ng Diyos na gawin mo (natin) sa nalalabing araw mo sa mundo?”

Ani RW, “itinuturing ng Diyos ang 40 araw bilang isang makahulugang panahon” sanhi ng sumusonod na kadahilkanan:
. Nabago ang buhay ni Noes a 40 araw na pag-ulan.
. Si Moises ay binago ng 40 araw na pamamalagi sa Bundok ng Sinai.
. Ang mga espiya ay binago ng 40 araw na pamamalagi sa Lupang Panagako.
. Si David ay binago ng 40 araw na paghamon ni Goliat.
. Si Elias ay binago nang siya’y bigyan ng Diyos ng lakas na sapat sa 40 araw, sa pamamagitan
ng minsanang pagkain.
. Ang buong siyudad ng Ninive ay nabago nang magbigay ang Dioys ng 40 araw para magsisi
ang mga mamamayan.
. Si Jesus ay lalong lumakas makalipas ang 40 araw na pamamalagi sa ilang.
. Pagkaraan ng muling pagkabuhay ni Jesus, ang Kanyang mga alagad ay nabago nang
makapiling nila si Jesus nang 40 araw.
* * * *
Sa kabilang dako, ayon sa philosophical o poetic viewpoints, ano kaya ang ibig ipakahulugan
ng kasabihang “life begins at forty?” Ewan ko ba, basta’t ang natatandaan ko, nagsimulang lumabo ang aking mata magmula nang umabot ako sa 40 ang edad.

Sa ngayon sa edad na sixty- something, may cataract na raw ako ayon sumuring doktot sa aking mga mata? Subalit, ayon sa agarang payo nya, huwag daw akong magpa-opera sa mata. May ibang paraan, kung ganon, para maalis ang cataract sa aking mata, lalo’t diabetic ako. Ganoon ba yon, mga Ka-Peryodiko? Magkano kayang gagastusin ko?

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.