Virac, Catanduanes – Nagpalabas ng show cause order si Judge Lelu Contreras laban kay Congressman Cesar Sarmiento dahil umano sa malisyusong pagkomento nito sa court proceedings na nagbibigay ng hindi magandang imahen sa administration of justice.
Laman ng show cause order upang pagpapaliwanagin ang kongresman kung bakit hindi ito patawan ng indirect contempt matapos patuloy nitong punain ang kanyang desisyon hinggil sa nakumpiskang mga illegal na kahoy sa isang truck, kasama na ang pagtanggap sa probation sa helper at driver.
Matatandaang naglabas ng kanyang sama ng loob sa pamamagitan ng isang panayam sa Radyo Peryodiko si Judge Contreras noong Marso 24 laban sa kongresista, kung saan sinagot nito ang mga puna ng kongresista sa kaso sa panayam din ng Radyo Peryodiko noong Marso 21.
Ayon sa Huwes, kanya umanong pinaliwanag sa pamamagitan ng komprehensibong text kung bakit mabilis nadispose ang kaso at kung bakit nakapag-probation ang mga akusado kasama na ang pagpapasagot sa CIDG at prosecutor kung papayag ang mga ito sa motion ng abugado ng depensa na irelease ang truck na sinakyan ng illegal na kahoy dahil meron umanong contract of lease sa pagamit nito.
Ayon sa Huwes, dahil meron umanong motion, hiningan niya ng position paper ang kabilang kampo ng CIDG at ang prosecutor na hindi pumabor sa naturang kahilingan.
Dapat aniyang malaman ng kongresista na merong bagong batas bilang amendment sa revised penal code o ang Republic Act 10951 kung saan tumaas ang threshold maging ang halaga ng nakumpiskang kahoy, kung kaya’t marami na ang nakakapag-probation.
Dapat aniyang alam ito ng opisyal dahil maliban sa pagiging kongresista, abugado pa ito.
Samantala, iseserve sana ang kautusan ng korte noong Marso 6 sa mismong pagdating ng kongresista sa airport sakay ng Cebu Pacific kasama ang kalihim ng DOH, subalit hindi nagawa ng sheriff dahil bumalik kaagad ang kongresista sa Metro Manila dakong alas one ng umaga matapos ang grand opening ng Catanduanes Doctors Hospital sakay ng Philippine Airline (PAL).
Isa pa sa hinihimutok ng huwes ang hindi pagsagot ng kongresista sa mga paliwanag ng nito sa pamamagitan ng text bilang kasagutan sa isa pang panayam sa radyo.
Bago ang nagpalabas ng show cause order, inilahad ng huwes sa Bicol Peryodiko ang kanyang pinakahuling text sa kongresista.
“Good Afternoon tabi Mr. Congressman! I expect a reply to this text because you still keep on accusing me for giving preferential attention to the case despite may lenthy explanation. Why don’t you come PERSONALLY to the court and see for yourself the proceedings in all cases where the accused pleaded guilty instead of hiding behind the media, unless you have NO MORE FACE TO SHOW TO ME because of your UNFOUNDED AND MALICIOUS ACCUSATIONS.
Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang tugon ang kongresista sa text ng huwes samantalang ipinadaan naman sa pamamagitan ng viber message ang show cause order ng huwes matapos hindi naiserve ni Sheriff Borrega ang kautusan noong Biyernes.
Sa impormasyon ng huwes, sinabi nitong 3pm noong Abril 6 nang Makita ng kongresista sa kanyang vibe rang kautusan. “ Pigpadara ko man saiya thru viber which was seen by him at 3:00 pm, then I texted him, again through viber, that having seen the order, he is considered served since electronic service of subpoena is now allowed, again, he saw my text ta naka-insicate man na “seen”, paglalahad ng huwes sa pamamagitan ng text.