Ikinatuwa ni Cong. Sarmiento ang malaking bilang ng mga Pandanon mula sa malayong bayan ng Pandan, Catansuanes , na nakarating sa okasyon ng Tesda ngayong araw sa Cabugao School of Handicraft & Cottage & Industries, sa Toolkits Distribution para sa nagsipagtapos ng 2017 Special Training for Employment of Program.

Ayon kay Sarmiento, may ibig sabihin ito, anya maganda na kasi ang kalsada at biyahe papunta at pabalik doon.

Ayon sa kanya kailangang magtulunguan ang lahat na di masira ang kalsada , kaya mahalaga ang hindi pag puputol ng kahoy upang maiwasan ang landslide na nakakasira din nito. “Today’s Gain Must not be put to Waste”, saad pa nito.

“Ang pag-iingat ng ating kalikasan ay kailangan gaya din sa maayos na paggamit ng toolkits na iyong tatangapin upang makatulong sa inyong kabuhayan” dagdag pa ni Sarmiento.

Samantala, pinanumpa pa ang mga ito ng kongresista na h’wag isangla o ipagbili ang kagamitang bigay ng gobierno bagkus gamitin upang kumita para sa kanilang kabuhayan.

506 of 566 Graduates of the 2017 Special Training for Employment Program (STEP) graduates of TESDA in Catanduanes receive this morning at CSHCI Cabugao, Bato, Free Various toolkits for livelihood from the National Government via TESDA through the funding initiative of Cong Cesar V. Sarmiento, says TESDA.

The remaining fifty Pangkabuhayan Toolkits for fifty trainee- benificiaries of same program identified & funded thru the initiative of AKB Partylist will be distributed on April 30, 2018 in the presence Of AKB representative says Mr. Elpidio Tuburo , Administrator of TESDA- Cabugao School of Handicraft and Cottage Industries . (Arlene Bagadiong)

Advertisement