Virac Catanduanes – Maraming naging aktibidad ang Catanduanes State University bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kalikasan ngayong taon, na may temang: “Luntiang CSU Kaagapay sa Mapagtangkang Kalikasan”.

 Ngunit ang pinaka inabangan sa lahat ay ang naging search para sa Lakan at Lakambini ng Kalikasan na ginanap noong Hunyo 29.

Paglabas pa lang ng mga kandidato na nagmula sa ibat-ibang kolehiyo, ay dumagundong na ang CSU Covered Court sa lakas ng sigaw at palakpakan ng mga manonood na todo suporta sa kanilang mga pambato.

Ngunit ang kanilang saya ay pansamantalng napalitan ng galit at pagkadismaya, nang bigla na lang nawalan ng kuryente. Sa kabila nito, hindi naman nagpa apekto ang mga nag gwagwapuhan at nag gagandahang kandidato, na tuloy pa rin sa kanilang production number.

Halos hindi magkamayaw ang mga manonood, partikular na ang mga babae tuwing may lumalabas na lalaking modelo, suot ang kanilang swimwear. Taliwas naman ito sa naging reakyon nila noong ang mga babae ang nagpakita ng ganda ng kanilang kasuotan, na lalo pang pinatingkad ng ganda ng kanilang mga mukha at katawan.

Kakaiba rin ang naging paraan ng pagtatanong sa mga kalahok, na bihira nating makita sa mga pageant. Imbes kasi na tanong, ay mga larawan, may kinalaman sa kalikasan ang ibinigay sa mga kandidato, na kinailangan nilang ipaliwanag.

Bukod pa rito, may isa pang naging pakulo ang mga organizer, ang pagpili kasi sa magiging top 6 ay ginawa sa kalagitnaan ng intermission number nila Jun Bryan Canaria at Janelle De Leon; na kapwa mula sa College of Education.

Sa huli, itinanghal na panalo ang pambato ng CAS, na si Ichie Bugaoisan, bilang Lakan, at si Shane Manlagnit naman, isang English major, bilang Lakambini.

Samantala, kung ang Lakan ay may ginawang espesyal na paghahanda, “all natural” naman daw ang ipinakita ng Lakambining si Shane Manlagnit. Aniya, nagulat talaga siya nung inanunsyong siya ang mag uuwi ng korona. Ito raw kasi ang kaniyang unang beses na sumali sa isang pageant, kumpara sa kaniyang mga naging katunggali na mga sanay na at suki na ng mga search tulad nito.

Bukod pa sa titulo, narito pa ang ilang special awards na natanggap ni Ichie at Shane: Best in Production Number (male), Mr. Eloquence, Miss Eloquence, at Miss Photogenic.

Samantala, bukod sa Lakan at Lakambini, narito pa ang mga special award na natanggap ng iba pang kalahok: People’s Choice Award, male and female: COE, Best in Ramp, male and female: CIT, Best in Swimwear, male: COEd, female: CED, Best in Formal Attire, male and female: COE, Mr. Photogenic: CICT, Prinsipe ng Tubig: CIT, Prinsesa ng Tubig: CAS, Prinsipe ng Hangin: COEd, at Prinsesa ng Hangin: CIT.

Ayon naman sa Chairperson ng pageant na si Gener Alberto, napakalaking tulong ng mga aktibidad na tulad nito: “For us to be aware what is happening to the world.” Bukod pa rito, lalo raw nito naipakita ang pagiging “Green University” ng CSU.

(Jake Terrago, Patrick Yutan)

Advertisement