SAN ANDRES, CATANDUANES โ€“ Patay ang isang 20 anyos na graduating college student matapos itong masangkot sa isang malagim na aksidente sa barangay Belmonte ng bayang ito.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko kay San Andres Chief of Police Antonio Perez, dakong ikapito ng gabi noong June 27 nang maganap ang aksidente sa Paturok Bridge. Binangga umano ng nakamotorsiklong si Kim Jomel Zafe ang padyak na iminamaneho naman ni Regio Manlangit.

Parehong tumilapon ang dalawa. Naitala ang isang shoulder fracture kay Manlangit samantalang malalang head injury naman ang tinamo ni Zafe bunga ng pagkakabagok. Nagkaroon umano ng pagbara ng dugo sa lalamunan ni Zafe at namatay ito habang nilalapatan ng lunas sa EBMC.

Sa report ng pulisya, walang suot na helmet si Zafe at matulin di umano ang takboย  nang mangyari ang insidente. Kinumpirma rin ni Perez na walang streetlight sa bahaging iyon ng Paturok Bridge.