VIRAC, CATANDUANES – Walang kagatol-gatol na tinukoy ni Catanduanes RTC Executive Judge Lelu P. Contreras ang tatlong Special State Prosecutors ng Department of Justice (DOJ) na humahawak sa kaso ng shabu lab na mga bobo at hindi umano marunong magbasa.

Ang nasabing deklarasyon ng huwes ay bilang reaksyoon sa naging desisyon ng Korte Suprema na inilabas noong nakaraang linggo kung saan kinatigan nito ang mosyon ng prosekusyon na mailipat ang pagdinig ng kaso  mula sa Catanduanes patungo sa Metro Manila dahil sa umano’y partiality o pagpabor ni Contreras sa akusado.

Sa mosyon ng DOJ Prosecutors, sinabi nilang pumapabor umano sa akusado ang ilang desisyon ni Contreras, kagaya ng  pagmamadali nitong sirain ang mga ebidensiya ng shabu lab. Punto ng DOJ, ang gayong kautusan ay disadvantage umano sa prosekusyon at advantage naman sa akusado.

Sa panayam kay Judge Contreras, iginiit niyang tama at naayon sa batas ang kanyang Order para sa destruction ng mga ebidensiya. “These DOJ Prosecutors banked on the IRR of R.A. 9165 which says hearings must be done bago sirain ang mga ebidensiya. Whereas the law is clear that a judge should conduct and ocular inspection 72 hours after the filing of the case, and thereafter, issue an Order to destroy evidences within 24 hours, provided representative samples of the evidences be taken. Between IRR and the Law, the Law must prevail”, paglalahad ng Huwes.

Sabi ni Judge Contreras, hindi umano marunong magbasa ang mga taga-usig ng DOJ, “At bibikolon ko, kapatal ninda!”

Samantala, sa usapin ng paglilipat ng kaso sa Metro Manila, ani Judge Contreras hiningi na rin umano niya na mangyari ito matapos ang pangyayari sa pagitan nila ng akusadong si Atty. Eric Isidoro kung saan ito umano ay isang verbal assault dahil sinigaw-sigawan siya at binastos ng nasabing akusado. Pinatawan din ng indirect contempt ang akusado dahil sa naturang pangyayari.

Una na ring, inihain ng Huwes ang kanyang pag-inhibit sa nasabing kaso dahil sa aniya’y napakarami niyang nalalaman sa nasabing kaso.

 

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.