Virac, Catanduanes – Isinagawa noong Hulyo 27 ng Immaculate Heart of Mary Hospital at Catanduanes Medical Society ang 1st IHMH post graduate course sa lalawigan ng Catanduanes.

Ang post graduate course ay may temang bridging Gaps in Healthcare in the Island. Ayon kay Dr. Efren Clarianes, ang over-all chairman ng organizing committee, pangunahing layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga medical personalities para sa kanilang units bilang required sa kanilang renewal ng lisensya. Ang programang ito ay pabor sa sa mga doctors, nurses, midwife at  nutritionist and dieticians.

Isinagawa ang naturang aktibidad sa ARDCI functional hall sa bayan ng Vira kung saan humigit kumulang 300 ang naging  participants. Nagkakaroon umano ng breakfast symposium, kung saan 50 registrants ang nabibiyayaan ng programa.

Mga resource speakers mula sa Metro Manila ang naging bahagi ng aktibidad at ng ilang opisyal ng Catanduanes Medical society.  Ang naturang aktibidad ay bilang bahagi ng ika-labing apat na anibersaryo ng pagkakatatag ng Immaculate Heart of Marry Hospital sa lalawigan ng Catanduanes.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.