An Indian veterinary clinic employee prepares a rabies vaccination for a Pomeranian dog at the free vaccination camp at the Government Super Speciality Veterinary Hospital on the occasion of World Zoonoses Day in Hyderabad on July 6, 2013. Indian Immunologicals Limited organized a free rabies vaccination camp to create awareness about infectious diseases which can be transmitted from animals to humans and vice verus. AFP PHOTO / Noah SEELAM (Photo credit should read NOAH SEELAM/AFP/Getty Images)

Virac, Catanduanes – Nais ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes na maging Rabies free province.

Kaugnay nito, nagpalabas ng Executive Order si Gobernador Joseph Cua para sa creation ng Provincial Committee para sa 2018 best municipality at best barangay implementor sa buong lalawigan.

Ito ay upang bigyang pansin ang hakbang ng mga municipal at barangay government para sa prevention and control ng rabies sa kanilang lugar

Para umano maideklara ang Catanduanes bilang rabies free, kailangan ang komprehensibong kooperasyon ng iba’t ibang ahensya at stakeholders para sa naturang hakbang.

Sa naturang search, hihimayin ng komitiba at ng lokal na pamahalaan ang mga hakbang na isinagawa o ipinapatupad ng mga local officials kasama na ang tinatawag na best practices para bigyan ng rekognasyon ang mga ito.

Sa Setyembre 28, ngayong taon, nais na maideklara ng gobernador na ang Catanduanes bilang Rabies free province.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.