Virac, Catanduanes – Anim (6) na buwang peventive suspension ang ipinataw ng Ombudsman laban kay gobernador Joseph C. Cua dahil sa kasong administratibo.
Noong Enero 11 nang isilbi ng Department of Interior and Local Government (DILG) central, regional office sa tulong ng provincial office ang kautusan base sa desisyon ng Ombudsman (OMB-L-A-18-0319) dahil sa reklamong Abuse of Authority, Conduct Pre-Judicial to the best interest of the service, Dishonesty and Grave Misconduct.
Kaungay nito, si Bise Gobernador Shirley Abundo ang uupo bilang acting gobernador sa lalawigan ng Catanduanes.
Ang kaso ay inihain ng isang Rey Mendez, residente ng Sta. Elena, Virac kung saan nag-ugat ito sa sinasabing pagpagamit ng gobernador sa isang bakanteng lote na dating JMA building, na pag-aari ng provincial government bilang bank house o parking area ng mga ikipahe ng ER Construction firm na pag-aari ni Mayor Eulogio Rodriguez ng Bato. Ayon sa reklamo, ipinagamit umano sa pribadong kontraktor na walang otorisasyon sa panig ng Sangguniang Panlalawigan.
Matatandaang, unang giniba ang naturang gusali na dating sinehan sa kanyang unang termino sa planong gawin itong extension ng Center Mall. Una na ring nagkaroon ng MOA sa naturang lote para pagtayuan ng Land Bank building subalit hindi ito natuloy at nananatiling nakatiwangwang ito hanggang sa ngayon.
Ipinagtataka naman ng gobernador ang naturang suspension pati na ang timing ng mga pangyayari. Ayon sa kampo ng opisyal, walang anumang kasulatan sa pagpapagamit ng parking lot dahil kahit sino umano ay nagpapark sa naturang lugar. Habang sinusulat ang balitang ito, inihahanda na ng legal team ng gobernador ang anumang legal remedies. Wala namang resistance sa pagbaba ng gobernador sa pwesto matapos isilbi ang suspension order bago magtanghali noong Biyernes.
Sa kanyang facebook account, ikinalungkot ng gobernador ang naturang kautusan. Aniya, bilang opisyal ng pamahalaan, susundin niya ang kautusan. Kaparehong tanggapan umano ang unang naglinis ng kanyang pangalan ng maidawit siya sa sinasabing shabu laboratory.
“personal ko pong aakuon saindo na namundo ako sa suspensyon sa laog nin anim na bulan na tinao ning Ombudsman ngonian na pirang bulan na sana bago an pag-abot nin eleksyon. Alagad, kung magigirumduman man nindo, iyo ini an parehong ahensiya na dating naglinig sa sakuyang pangaran asin nagpakusog sa saindong tiwala sa sako, durante kan ako pirit na inimbwelto sa isyu kan shabu laboratory”, bahagi ng pahayag ng gobernador.
Kumpiyansa umano itong papaburan ang kanilang gagawing remedyo sa mga kinauukulang ahensya.
Naniniwala naman ang ilang tagasuporta ng gobernador na merong bahid pulitika ang naturang hakbang.
Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, inihahanda naman ng legal team ni Cua ang mga legal remedies kaugnay sa nasabing kaso. Paniniwala naman ng ilang tagasuporta ng gobernador na may bahid ng pulitika ang naturang sitwasyon.
Dahil dito, pamamagitan ng rule on succession, si Bise Gobernador Shirley Abundo ang halili sa gobernador habang ang topnotcher Provincial Board Member na si Rafael Zuniega ang magiging acting bise gobernador. Bilang acting governor, mananatili umano si Abundo sa kanyang tanggapan sa Sangguniang Panlalawigan.