Virac, Catanduanes– Patay ang isang 19-year old at Grade 12 student ng Catanduanes National High School (CNHS) halos isang buwan makaraang mabiktima ito ng panggagahasa.

Sa report ng pulisya noong Enero 5, 2019, dumalo umano sa isang debut party ng isang kaibigan ang biktima sa barangay San Isidro Village noong Disyembre 8 noong nakaraang taon kung saan nangyari umano ang ‘drinking spree’ ng magkakaibigan.

Dakong ikatlo ng umaga noong Disyembre 9, nagpaalam na umano ang biktima upang umuwi at inalok umano ito ng libreng sakay ng dalawang lalaking nakilala sa mga pangalang Jonard Bonaagua, 21 at Jomar Taperla, 20 na pawing residente ng barangay Balatohan mula sa bayan ng San Miguel.

Ngunit sa halip na iuwi ang biktima sa tahanan sa barangay San Juan sa bayang ito, dinala ito sa isang bahay sa barangay San Roque kung saan doon nangyari ang maitim na balak ng mga suspek laban sa biktima.

Ayon sa police report, dakong ikawalo ng umaga nang tawagan umano ni Jonard Bonagua ang debutante na si Joan Rodriguez at sinabing sunduin ang biktima sa San Roque. Dumating naman si Joana at iniuwi ang biktima sa kanilang bahay.

Hindi ikinuwento ng biktima sa kanyang pamilya ang nangyari sa kanya hanggang sa dumating ang kanyang Kuya noong araw mismo ng Pasko. Sa kanyang Kuya, inilahad ng biktima ang buong pangyayari.

Isinugod ng Kuya ang biktima sa EBMC dahil sa walang ampat na pagdurugo simula pa noong umaga nang ito ay magahasa. Ngunit noong Enero 4 ay pumanaw ang biktima.

Advertisement