Vector illustration – Man Making Stop Gesture!

Virac, Catanduanes- Kulong ang dalawang (2) lalaki ng hindi bababa ng anim (6) na taon sa magkahiwalay na kaso ng sexual assault at acts of lasciviousness batay sa  Republic Act 7610 o child abuse.

Sa unang kaso, kulong ng walo (8) hanggang labing dalawang (12) taon si Luis Valeza, 52 anyos, residente ng Palnab Del Norte, ng bayang ito matapos mag-plea ng guilty sa kasong sexual assault in relation to child abuse. Ang kasong ito ay punishable ng 12- dalawampung (20) taon subalit nang i-apply ang indeterminate sentence law (ISLAW) kung kaya’t  bumaba na lamang ito sa 8-12 na taon. Sinubukan pa sana ni Valeza na mag-apply ng probation subalit wala umano itong pera o ari-arian bilang kabayaran sa civil damages sa biktima.

Matatandaang, inireklamo si Valeza ng magulang ng 4-anyos na bata matapos ipasok umano ng suspek ang daliri sa ari ng bata kapalit ang isang biskwit.

Samantala, kulong naman ng anim (6) na taon si Ronnie Salvador y Valerio, 30 anyos, at residente ng Hinipaan, Bagamanoc, Catanduanes sa kasong acts of lasciviousness in relation to child abuse matapos makipag-areglo ito sa pamilya ng biktima. Pinagbabayad din si Salvador ng P20,000.00 bilang danyos sa mga biktima. Hindi naman ito pinayagang makapag-avail ng probation. (RD4)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.