Virac, Catanduanes – Dinipensahan ni Lone District Congressman Cesar Sarmiento ang mga balitang nakakarating sa kanya na nakafucos ang kanyang administrasyon sa pagpapatayo ng mga daanan at multi-purposed building.
Ang pahayag ay isinagawa ng solon noong Marso 4, 2019 sa turn over ng mga epikahe ng DAR sa kanilang mga benepisyaryo.
Iginiit ng solon sa kanyang talumpati, na ang bawat departamento ng gobyerno ay may kanya-kanyang proyekto at programa na isinasagawa o pinatutupad. Tulad na lamang umano ng DPWH kung saan nakafocus sa road widening, tulay at iba’t ibang infrastructure na mandato ng nasyonal na gobyerno. At di umano, kagaya ng DAR na nagsagawa ng turn over ceremony para naman mainangat ang kalidad ng pamumuhay sa probinsya. Ang bawat proyekto ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay nakasentro sa magkakaibang proyekto at programa base sa objeto ng ahensya.
Samantala masaya namang ibinalita ng solon ang House Bill 8282 na siya may akda, bilang pagdeklara sa Catanduanes as Abaca Capital of the Phillipines, kung saan magbibigay umano ito ng opurtunidad sa mga mamayan ng probinsya lalo na ang mga parahangot ng abaca. Kasabay ng pasaring sa administrasyong Cua, na di umano ang provincial government ang magbibigay pwersa sa pagpapaunlad ng abaca ngunit panu ito manyayari kung ang tagapamahali ay may kahalintulad na negosyo. (Joni Panti)