Virac, Catanduanes – Nakatakdang isagawa sa Mayo 6 ang isang candidates forum sa mga kandidato sa provincial level.

Ayon kay Atty. Analyn T. Pabalan-Chavez ng Comelec provincial office, ang naturang forum ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Caritas sa pakikipagtulungan sa Sangguniang Kabataan Ferderation sa bayan ng Virac at iba pang sector.

Layunin ng naturang forum ay upang magkarooon ng venue para sa sapat na impormasyon pabor sa mga botante para sa papaating na halalan sa Mayo 13.
Kasama sa itatampok sa forum ay ang mga kandidato mula sa congressional post, governor, vice governor at mga provincial board members.

Inaasahang sasagutin ng mga kandidato ang mga kritikal na issue kasama na ang kanilang mga pangunahing plataporma sakaling sila ang mabigyan ng mandato ng taong bayan.

Nanawagan ang comelec at PPCRV sa mga botante na dumalo at makibahagi sa naturang mahalagang pagtitipon na makakatulong aniya sa tamang pagpasya pagdating sa halalan.

Hindi lamang umano oportunidad ito sa mga botante, kundi maging sa mga kandidato kung papano nila sasagutin ang mga pressing issues and concerns sa buong lalawigan ng Catanduanes.

May scheme umanong gagawin kung papano magiging maganda ang interaction ng mga kandidato. Magsisimula ito alas 7 ng gabi at live na mapapanood sa bicolperyodikotv, www.bicolperyodiko.com at sa 96.7dwfb-fm

Advertisement