Bicol Peryodiko

Bagyong Jenny, nag-iwan ng isang patay

VIRAC, CATANDUANES – Isang 36 anyos na magsasaka ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Jenny noong nakaraang linggo mula sa Barangay Dugui San Isidro ng Virac.

Batay sa impormasyon ng mga kaanak, umalis ng bahay si Randy Antonio umaga noong August 27, 2019 patungo sa bukid upang mag-hag-ot. Sa pag-aakala umanong lalakas ang bagyong Jenny, dakong tanghali nang ipasya nitong umuwi na dala ang kaunting hibla ng abaca. Ngunit sa kanyang pagtawid sa ilog ay tinangay siya ng malakas na agos ng tubig na naging dahilan ng kanyang pagkawala.

Tinangka ng mga kinatawan ng MDRRM ng Virac, Philippine Red Cross at Phil. Coast Guard na hanapin si Antonio noong araw ding iyon, subalit sa lakas ng ragasa ng tubig sa ilog at sa malabong tubig nito ay imposible na mahanap ang natangay na magsasaka.

Kinabukasan, muling naglunsad ng Search and Rescue operations ang MDRRM at PRC at lampas tanghali nang matagpuan nilang nakalutang na sa bahagi ng Buyo River si Antonio.

Si Antonio ay ama ng tatlong maliliit pang mga bata.

Exit mobile version