Virac, Catanduanes – Dagdag na apat (4) na drug cleared barangay sa bayan ng Virac, pinarangalan noong isang linggo.

            Ang apat na barangay ay karagdagan sa 5 na una ng naideklara na kinabibilangan ng Pajo Baguio, F. Tacorda village, Balite, Magnesia del Norte at Igang kung kaya’t meron ng siyam ang bayan ng Virac.

            Ang parangal ay pirmado ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bicol Region, alkalde ng Virac at ng PNP Virac.

             Kasama sa pinarangalan ay ang mga barangay ng Antipolo Del sur, Antipolo Del norte, Santa Cruz at Sugod Simamla.

            Sa panayam ng Radyo Peryodiko kay COP Bon Billy Timuat, sinabi nitong nasa 50% na umano ang mga nag-applay na mga barangay para maideklara silang drug cleared. Ayon sa COP medyo mahigpit ang mga batayan para maideklara ang mga nais maksabay sa naturang mga lugar

            Aniya kailangan umano na walang supply of drugs sa loob ng kanilang teritoryo, no transit of drugs, no Marijuana cultivation sites, no chemical warehouse, no plant destined laboratory at marami pang iba. Isusumite umano sa  Municipal anti drug act council (MDAC) ang mga aplikasyon at ipoproseso maging ang ocular inspection.

             Sa ngayon ay Lubos ang paghimok ng PnP maging ng lokal na pamahalaan ng Virac sa mga barangay officials at makiisa sa programa para masugpo ang droga at maideklarang  Drug -Free Municipality ang bayan ng Virac. (Ulat ni Robert Tavera)

Advertisement