VIRAC, CATANDUANES – Isa ang kumpirmadong nasawi habang 13 naman ang nasaktan sa pananalsa ng bagyong Tisoy noong nakaraang linggo.

Sa ulat na inilabas ng PDRRMC, kinilala nito ang casualty sa pangalang Reynaldo Flores, 71 at residente ng Barangay Cagdarao mula sa bayan ng Panganiban. Ayon sa kwento, dakong ikatlo ng umaga habang binabayo ang lalawigan ni Tisoy noong December 3, 2019 nang makadama umano ito ng pag-ihi at tinangkang lumabas ng evacuation center. Ngunit ito ay nadulas at tumama ang ulo sa konkretong sahig ng center.

Dagdag pang impormasyon, masyado pa umanong malakas ang hangin noong mga sandaling iyon kaya hindi umano maibyahe ang biktima patungo sa ospital. Dahil dito kaya naubusan umano ng dugo ang nasabing Lolo.

Samantala, hindi naman bababa sa 13 ang nasaktan habang nananalasa ang bagyong Tisoy. Sa nasabing ulat ng PDRRMC, umaabot sa anim katao ang nagkaroon ng iba’t-ibang injury mula sa bayan ng Pandan,, apat sa bayan ng Baras habang tatlo mula sa munisipyo ng San Miguel. Sa kabilang dako, mahigit 80,000 katao o kaya’y mahigit 20,000 na pamilya ang inilikas sa iba’t-ibang evacuation centers noong kasagsagan ng bagyo

Advertisement